Ang dalawang ayos ng pangungusap ay ang karaniwan o tuwid at di-karaniwan o baligtad na ayos.

1. Karaniwan o Tuwid na ayos ng pangungusap.
Ito ay ang ayos ng pangungusap na kadalasang ginagamit natin lalo na sa mga pasalitang Gawain.
Nauuna ang panaguri o ang bahagi nito sa simuno ng pangungusap.

Mga Halimbawa
Punung-puno ng iba’t ibang damdamin / ang musika.
Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music / ang OPM.
Isang patunay / ito / ng pagiging malikhain ng mga Filipino.

Ang Punung-puno ng iba’t ibang damdamin, Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music at isang patunay ay pawang mga panaguri. At sila ay matatagpuan bago ang mga simuno ng pangungusap.


2. Di-Karaniwan o Baligtad na ayos ng pangungusap
Ito ang ayos ng pangungusap na nauuna ang simuno sa panaguri ng pangungusap. Ang dalawang bahaging ito ay pinag-uugnay ng panandang ay.

Sa mga sumusunod na halimbawa, mapapansin na ang mga simuno na ang nauuna kaysa sa mga panaguri.

Mga Halimbawa
Ang musika / ay punung-puno ng damdamin.
Ang OPM / ay nangangahulugang Original Pilipino Music.
Ito / ay isang patunay ng pagiging malikhain ng mga Filipino.
Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong kaisipan o diwa.

Ang pangungusap ay may apat na uri ayon sa gamit. Ito ang sumusunod:

1. Pasalaysay o Paturol
Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi tiong nagtatapos sa tuldok.
Mga Halimbawa
Si Norberto ay isang matagumpay na arkitekto.
Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.
Ang daigdig ay ang tanging planetang may buhay.

2. Patanong
Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. Tandang pananong(?) ang bantas sa hulihan nito.
Mga Halimbawa
Saan-saan matatagpuan ang magagandang tanawin ng Pilipinas?
Kailan ang huling pagsusulit para sa kasalukuyang semester?
Kanino makukuha ang mga klas kards?

3. Padamdam
Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos ito sa tandang panamdam. Maaari ring gamitin ang tandang pananong.
Mga Halimbawa
Ay! Tama pala ang sagot ko.
Ano? Hindi mo pa natatapos ang proyekto natin?
Yehey! Wala na namang pasok.

4. Pautos o Pakiusap
Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang pakiusap ay nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok.
Mga Halimbawa
Pautos
Mag-aral kang mabuti.
Nararapat lamang matutong sumunod ang mga mag-aaral ng seminary sa patakaran ng Bible School.

Pakiusap
Pakibigay mo naman ito sa iyong guro.
Maari bang iabot mo ang aklat na iyan?
Ang mga salita ay may apat na kayarian. Ang mga salita ay maaaring payak, maylapi, inuulit o tambalan.

1. Payak – ang salita ay binubuo lamang ng salitang-ugat. Ang salitang-ugat ay batayang salita ng iba pang pinahabang mga salita. Samakatwid, ito ang salita sa basal o likas na anyo – walang paglalapi, pag-uulit, o pagtatambal.

Mga Halimbawa:
  • awit
  • bayani
  • watawat
  • talino
  • halaga
  • yaman
  • pinto
  • sahig
  • pera
  • aklat
  • bintana

2. Maylapi – ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. Ang mga panlapi ay mga katagang idinaragdag sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng mga salitang-ugat. May ibat’ibang uri ng mga panlapi.

a. Unlapi – ang panlapi ay matatagpuan sa unahan ng salitang-ugat.
Mga halimbawa:
  • mahusay
  • palabiro
  • tag-ulan
  • umasa
  • makatao
  • may-ari
b. Gitlapi – ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat. Ang mga karaniwang gitlapi sa Filipino ay –in- at -um-
Mga halimbawa:
  • lumakad
  • pumunta
  • binasa
  • sumamba
  • tinalon
  • sinagot
c. Hulapi – ang hulapi ay matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat. Ang mga karaniwang hulapi sa Filipino ay –an, -han, -in, at –hin.
Mga halimbawa:
  • talaan
  • batuhan
  • sulatan
  • aralin
  • punahin
  • habulin
d. Kabilaan - ang kabilaan ay binubuo ng tatlong uri. Ito’y maaaring:

1. Unlapi at Gitlapi
Mga Halimbawa:
  • isinulat
  • itinuro
  • iminungkahi
  • ibinigay
2. Unlapi at Hulapi
Mga Halimbawa:
  • nagkwentuhan
  • palaisdaan
  • kasabihan
  • matulungin
3. Gitlapi a Hulapi
Mga Halimbawa:
  • sinamahan
  • pinuntahan
  • tinandaan
  • hinangaan
e. Laguhan - ang panlapi ay binubuo ng tatlong magkakaibang uri: unlapi, gitlapi, at hulapi.
Mga halimbawa:
pinagsumikapan
nagsinampalukan

3. Inuulit – ang buong salita o bahagi ng salita ay inuulit. May dalawang anyo ng pag-uulit ng mga salita.

a. Inuulit na ganap – ang buong salita, payak man o maylapi ay inuulit.
Mga Halimbawa:
  • taun-taon
  • masayang-masaya
  • bahay-bahay
  • mabuting-mabuti
b. Inuulit na di-ganap – bahagi lamang ng salita ang inuulit.
Mga Halimbawa: pala-palagay malinis-linis susunod

4. Tambalan – ang salita ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinagsama upang makabuo ng bagong salita. May dalawang uri ng tambalang salita:

a. Tambalang salitang nanatili ang kahulugan
Mga Halimbawa:
  • isip-bata (isip na gaya ng bata)
  • buhay-mayaman (buhay ng mayaman)
  • abot-tanaw (abot ng tanaw)
  • sulat-kamay (sulat ng kamay)
Ang gitling sa pagitan ng dalawang salitang pinagtambal ay kumakatawan sa nawawalang kataga sa pagitan ng pinagtambal na salita

b. Tambalang salitang nagbibigay ng bagong kahulugan
Mga Halimbawa:
  • hampaslupa (taong napakahirap ng buhay)
  • dalagangbukid (isang uri ng isda)
  • talasalitaan (bokabularyo)
  • hanapbuhay (trabaho)
Ang ponolohiya o palatunuga ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto(juncture), pagtaas-pagbaba ng tinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening)

Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. May dalawang uri ng ponema: 1 segmental at suprasegmental.

Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.

a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o glottal stop (?) sapagkat ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o maragsa.

b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang katinig


Halimbawa:
ba: tah - housedress
tub: boh - pipe
ba: ta? - child
tub: bo? - profit


c) Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u.

d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.
Halimbawa:
babae - babai
kalapati - kalapate
lalaki - lalake
noon - nuon


e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.
Halimbawa:
uso - modern

mesa - table
oso - bear

misa - mass

Mayroong limang dahilan ibinigay ang Surian ng Wikang Pambansa kung bakit sa Tagalog ibinatay ang wikang Pambansa. Ito ay ang mga sumusunod.

1. Ito ay may pinakamayamang talasalitaan. Katunayan, ang Tagalog ay binubuo ng 30,000 salitang-ugat at 700 panlapi.

2. Ito ang wikang ginagamit sa sentrong kalakalan.

3. Ito ang salita o wikang ginagamit ng nakararami.

4. Ito ay madaling pag-aralan, matutunan at bigkasin.

5. May pinakamaunlad na panitikan sa lahat ng katutubong Wika sa Pilipinas.
Ang makabagong alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik. Ito ay hinango sa alfabetong Ingles na may 26 na titik at dinagdagan ng titik Ñ at NG. Ang NG ay itunuturing na isang titik lamang.


Kasaysayan ng Alfabetong Filipino

Alibata ang tawag sa kauna-unahang alfabetong Filipino. Ito ay pamana ng mga nandayuhang Malayo-Polinesyo at binubuo ng labimpitong titik: 3 patinig at 14 katinig.


Mula sa Alibata, nabuo ang abakadang Filipino. Ito ay binubuo ng 20 titik: 5 patinig at 15 patinig. Noong 1971, nagdagdag ng 11 titik sa dating alpabetong Filipino. Ang mga alpabetong nadagdag ay, C, Ch, F, J, Ll, Ñ, Q, Rr, V, X, at Z. Samakatuwid ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 31 titik.

Ang makabagong alfabeto ay binubuo ng 28 titik, 20 ang galing sa orihinal na abakada at isinama ang pitong titik ng English: C, F, J, Q, V, X, Z at Ñ mula sa Kastila. Ayon sa ulat na ginawa ni Dr. Ernesto Constantino ng Pamantasan ng Pilipinas, ang pagdaragdag ng nasabing walong titik na bagong alpabeto ay magpapadali sa panghihiram ng mga salitang kailangang hiramin para mapayaman, mapaunlad at maging epektibo at modernisado ang Wikang Pambansa.

Aa[ey]Bb[bi]Cc[si]Dd[di]Ee[ii]Ff[ef]Gg[dyi]Hh[eyts]
Ii[ay]Jj[dsey]Kk[key]Ll[el]Mm[em]Nn[en]Ññ[enye]NGng[en dyi]
Oo[o]Pp[pi]Qq[kyu]Rr[ar]Ss[es]Tt[ti]Uu[yu]Vv[vi]


Ww[dobolyu]Xx[eks]Yy[way]Zz[zi]

Ang wika ang pinakamabisang instrumento ng komunikasyon at wikang Filipino para sa mga Filipino.

Ang wika ay mayroong apat na antas. Ito ay ang sumusunod:

1. Balbal - ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ng mga salitang kanto na sumusulpot sa kapaligiran.
Halimbawa: epal (mapapel), istokwa (layas) haybol (bahay)

2. Lingua Franca o Panlalawigan - Kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa lalawigan.

3. Pambansa - salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa.

4. Pampanitikan - Ito ang antas na may pinakamayamang uri. Madalas ito ay ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan. Idiyoma, eskima, tayutay, at iba't ibang tono, tema, at punto ay ginagamit sa pampanitikan.

Tags: 6 comments | edit post
TUTULDOK( : )
A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.
Hal. Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa.

B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal.
Hal. Dr. Garcia:
Bb. Zorilla:

C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.
Hal. 8:00 a.m Juan 16:16


TUTULDOK - KUWIT( ; )
A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham pangalakal.
Hal. Ginoo;
Bb;

B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig.
Hal.
1. Kumain ka ng maraming prutasl ito’y makabubuti sa katawan.
2. Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang magpatiwakal.

C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.
Hal. Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.


PANIPI (“”)
A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi.
Hal. “Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.

B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba’t ibang mga akda.
Hal.
1. Nagbukas na muli ang “Manila Times”.
2. Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”.
3. Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang “Anak Dalita”.

C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.
Hal. Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer Programming”.

PANAKLONG ( () )
A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.
Hal. Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.

B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan.
Hal. Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay humigit kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao.

C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon.
Hal. Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )


TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS (…)
A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag. Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa mga salitang nawawala ay sa hulihan ng pangungusap.
Hal. Pinagtibay ng Pangulong Arroy …
B. Sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangang sipiin.
Hal:
Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang…

PANTIG

Ang pantig ay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng lalamunan o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.

Kayarian ng Pantig
Gumagamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig sa pagtukoy ng kayarian ng pantig.


KayarianHalimbawa
Pa-so
KPma-ta
PKak-lat
KPKsak-lap
KKPblu-sa
PKKeks-pre-syon
KKPKplan-ta
KPKKnars
KKPKKtrans-por-ta-syon

c Ang Pagpapantig

Ang pagpapantig ay paghahati ng salita sa pantig o mga pantig.

1 Ang magkasunod na dalawa o higit pang patinig ng salita ay hiwalay na mga pantig

Halimbawa:
uupo > u – u - po
paano > pa – a – no
noo > no - o


2 Ang magkasunod na katinig sa loob ng isang salita ay pinaghihiwalay, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang ikalawa ay sa patinig na kasunod.

Halimbawa:
tukso > tuk - so
pandak > pan - dak
luksa > luk – sa

3 Sa hiram na salita, ang magkasunod na katinig ay parehong kasama sa kasunod na patinig.

Halimbawa:
sobre > so-bre
pobre > po-bre

4 Sa pag-uulit ng pantig:

a. Ang patinig lamang ang inuulit kung ito ay unang tunog ng salitang ugat.

Halimbawa:
asa > a-a-sa
alsa > a-al-sa
ekstra > e-eks-tra

b. Kung ang unang pantig ng salitang ugat ay nagsisimula sa katinig-patinig ang katinig at kasunod na patinig lamang ang inuulit

Halimbawa:
punta > pu-pun-ta
sulat > su-su-lat
prito > pi-prituhin

Ang wastong gamit ay bitiwan at hindi bitawan. Ang salitang-ugat ay bitiw at hindi bitaw. Ang salitang "bitaw" ay ginagamit sa pagsasabong ng manok samantalang ang "bitiw" ay sa pagkawala o pag-alis sa pagkakahawak.

Halimbawa:
1. Bitiwan mo ang mga braso ko kung hindi ay sisigaw ako.
2. Nabitiwan ni Aling Nena ang mga pinamalengke dahil sa takot.
3. Binitawan ni Mang Kanor anga kabayong nagwawala.
4. "Bitiwan mo muna yang mga hawak mong holen at tulungan mo ako sa pag-iigib", ang sigaw ni Boyet sa kapatid.
5. Bitiwan mo na ang pag-asang babalikan ka pa ng iyong kasintahan.

Ang "bitawan" ay nauukol sa pook na pinagdarausan ng paglalaban ng mga manok na walang tari. Ito ay maaring sa kalsada o bakuran.

Ang "bitaw" ay idinaraos upang bigyan ng pagsasanay ang mga manok.
PAGGAMIT NG GITLING(-)
Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:
A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Hal. araw-araw isa-isa apat-apat
dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila
masayang-masaya


B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
Hal: mag-alis nag-isa nag-ulat
pang-ako mang-uto pag-alis
may-ari tag-init pag-asa

C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Hal: pamatay ng insekto - pamatay-insekto
kahoy sa gubat - kahoy-gubat
humgit at kumulang - humigit-kumulang
lakad at takbo - lakad-takbo
bahay na aliwan - bahay-aliwan
dalagang taga bukid - dalagang-bukid

Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito.
Hal. dalagangbukid (isda)
buntunghininga

D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling
Hal: maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino
pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique
mag-pal maka-Johnson mag-Sprite
mag-Corona mag-Ford mag-Japan

E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan
Hal. mag-Johnson magjo-Johnson
mag-Corona magco-Corona
mag-Ford magfo-Ford
mag-Japan magja-Japan
mag-Zonrox magzo-Zonrox

F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.
Hal: ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina
ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata

G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.
Hal: isang-kapat (1/4)
lima’t dalawang-kalima (5-2/5)
tatlong-kanim (3/6)

H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.
Hal. Gloria Macapagal-Arroyo
Conchita Ramos-Cruz
Perlita Orosa-Banzon

I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.
Hal.
Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino.

1. TULDOK (.)
Ang tuldok ay ginagamit na pananda:
A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.
Hal. Igalang natin ang Pambansang Awit.
B. Sa pangalan at salitang dinaglat
Hal. Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo.
Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang “Basic Christian Living”
C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng isang balangkas, talaan.
Hal. A. 1.

2. PANANONG (?)
Ginagamit ang pananong:
A. Sa pangungusap na patanong.
Hal. Ano ang pangalan mo?
Sasama ka ba?
B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap.
Hal. Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.

3. PADAMDAM (!)
Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
Hal. Mabuhay ang Pangulo!
Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
Aray! Naapakan mo ang paa ko.

4. PAGGAMIT NG KUWIT (,)
A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri.
Hal. Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy.
Hal. Shana, saan ka nag-aaral ngayon?
B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pangkaibigan.
Hal. Mahal kong Marie,
Nagmamahal,
Sa iyo kaibigang Jose,
Tapat na sumasaiyo,
C. Pagkatapos ng OO at HINDI.
Hal. OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya.
HINDI, ayaw niyang sumama.
D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno.
Hal. Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo.
Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo.
E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalalwigan sa pamuhatan ng isang liham.
Hal. Nobyembre 14, 2008
Project 8, Quezon City
F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.
Hal. Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda”.

5. PAGGAMIT NG KUDLIT(‘)
Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas:
Hal. Siya’t ikaw ay may dalang pagkain.
Ako’y mamayang Filipino at may tungkulin mahalin at pangalagaan ang aking bayan.
MGA PANTIG

Katutubong pantig
1. Dalawa lamang ang kayarian ng pantig sa katutubong palapantigan: KP (katinig patinig) at KPK (katinig patinig katinig).
2. Walang di pinal na pantig ng katutubong salita na nagtatapos sa impit na tunog / /. Ang isang salitang gaya ng: “bâgo” /ba .'go/ ay hindi pangkaraniwan sa wikang pambansa, sapagkat ang unang pantig nito ay nagtatapos sa impit na tunog.
3. Walang di pinal na pantig ng katutubong salita na nagtatapos sa tunog na “h”. Ang isang salitang gaya ng: “kahkah” /'kah.kah/ ay hindi rin pangkaraniwan, sapagkat ang dalawang pantig nito ay nagtatapos sa “h”.
4. May mga nagsasabi na ang dulong pantig ng isang katutubong salita ay laging nagtatapos sa katinig. Halimbawa, ang salitang gaya ng “sabi” ay nagtatapos raw sa tunog na /h/.
A. May ilang ebidensyang sumasalungat sa ganitong pusisyon:
a. Hindi distintibo o hindi naririnig ang [h] na ito kumpara sa mga wikang may /h/ sa dulo ng pantig, gaya ng Kakilingan Sambal; Kakilingan Sambal “lotò / lo .to / `luto’ “lotoh / lo .toh/ `pagsabog (ng bulkan)’
b. Ang salitang gaya ng “sabi” kapag sinundan ng “daw”, ay nagiging ['sa .bi. raw] hindi */'sa .bih. raw/ o */'sa .bih.daw/. Ibig sabihin, walang naririnig na /h/ bago ng /r/ o /d/; at
c. Malamang na nagtatapos sa patinig ang “sabi”, sapagkat nagiging “raw” ang “daw“. Ang tuntunin ay ginagamit ang “raw” kapag ang salitang sinundan o nasa unahan nito ay nagtatapos sa patinig.

B. Mayroon din namang ebidensya na nagpapahiwatig na mayroong /h/ sa dulo ng “sabi”. Kapag kinabitan ito ng hulaping “ an”, nagiging distintibo at naririnig ang /h/. / sa .bih/ + / an/ > /sa. bi .han/ “sabihan”.

C. Alinman sa pagsusuring ito ang gamitin, malinaw na hindi sinusulat ang [h] sa dulo ng isang pantig ng isang katutubong salita.

Hiram at dayuhang pantig
1. Dahil sa panghihiram, nadagdagan ang kayarian ng pantig sa wikang pambansa. Bukod sa KP at KPK, ang mga hiram na pantig ay: KKP, KKPK, KKPKK at KPKKK. Katulad ng tra po / tra .po/ (KKP KP), plan ta / plan.ta/ (KKPK KP), trans por tas yon /trans.por.tas. yon/ (KKPKK KPK KPK KPK), at ispórts /is.ports/ (KPK KPKKK).
2. Isang palaisipan sa maraming Pilipino ang tamang pagpapantig sa mga salitang hiram na may kambal katinig gaya ng “sobre” ( “sob re” o “so bre”?); ng “tokwa” (“tok wa” o “to kwa”?) at ng “pinya” (“pin ya” o “pi nya”?). May dalawang tuntunin na sinusunod kaugnay nito:
a. Ang tamang pagpapantig ay umaayon sa katutubong kayarian na KP at KPK. Ang “sob ra”, “tok wa” at “pin ya” ay sumusunod sa katutubong kayarian na KP at KPK. Mas malayo sa aktuwal na bigkas at mas malapit sa hiram o dayuhang pantig ang “so bra”, “to kwa” at “pi nya.” Ang totoo’y tama ang huling paraan ng pagpapantig sa pinanghiramang wika.
b. Ang tamang pagpapantig ay umaayon o mas malapit sa aktuwal na bigkas. Ang bigkas ng mga Pilipino sa nasabing mga salita ay mas malapit sa / sob.bre/ ~ / sob.bre/, / tok.kwa/ ~ / tok.kwa/, at / pin.nya/ ~/ pin.nya/. Ibig sabihin, sumasama ang huling katinig ng penultima sa bigkas ng dulong pantig. Kung ang tamang pagpapantig ay “sob re”, “tokwa” at “pin ya”, mas madaling ipaliwanag ang pagsasama ng huling katinig ng penultima sa dulong pantig. Mas mahirap ipaliwanag ang ganitong pangyayari kung ang istandard na pagpapantig ay: “so bre”, “to kwa” at “pi nya”, gaya ng sa pinanghiramang wika.
3. Palaisipan din sa maraming Pilipino ang tamang pagbabaybay at pagpapantig ng mga salitang may kambal patinig sa orihinal na baybay. Ang ilang halimbawa ay: “provincia” (“pro bín si yá” o “pro bin sya”?), “infierno” (“im pi yer no” o “im pyer no”?), “violin” (“bi yo lín” o “byo lín”?), “guapo” (“gu wa po” o “gwa po”?), cuénto” (“ku wen to” o “kwento”?) at “acción” (“ak si yón” o “ak syón”?). Mayroon ding ilang tuntuning sinusunod kaugnay nito:
a. Ang namamayaning pagbabaybay (at pasulat na pagpapantig) ay umaayon sa katutubong kayarian na KP at KPK. Mas malapit ang pagpapantig ng unang anyo (i.e. “pro bín si yá”, “gu wa po”, “im pi yer no”, “bi yo lín”) sa katutubong kayarian na KP at KPK. Ang ikalawang anyo (i.e. “pro bin sya”, gwa po. “im pyer no”, “byo lín) ay may mga pantig na binubuo ng KKP na itinuturing dito na hiram o dayuhang pantig.
b. Ang namamayaning bigkas (at pasalitang pagpapantig) ay umaayon sa aktuwal na bigkas at kung gayo’y mas malapit sa ikalawang anyo (i.e. “pro bin sya”, “gwa po,” “im pyer no”, “byo lín). Samakatwid, mas malapit sa namamayaning bigkas ang ikalawang anyo, pero mas malapit sa namamayaning baybay ang unang anyo.
c. Iwasan ang tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita. Ang baybay na “probínsiyá”, “impiyerno” at “aksiyón” ay hindi lamang umaayon sa katutubong kayarian ng pantig kundi nakaiilag din sa tatlong magkasunod na katinig (i.e. “aksyón”). Totoo lamang ang tuntuning ito (*KKK) sa mga hiram na salita na may orihinal na kambal patinig pero hindi sa iba pang mga kaso (i.e. “eksklusibo”).
d. Piliin ang anyo na maaaring paghanguan ng iba pang anyo. Halimbawa: maaaring sabihin na sa anyong “ku wen to” nagmula ang “kwen to”. Nakuha ang maikling anyo nang kaltasin ang “u”.

PANGHIHIRAM
Tuntunin sa panghihiram
1. Huwag manghiram. Ihanap ng katumbas sa wikang pambansa ang konsepto. Katulad ng rule = tuntunin, hindi “rul”.
2. Huwag pa ring manghiram. Ihanap ng katumbas sa mga lokal na wika ang konsepto. Katulad ng tarsier = máomag, málmag (Bol anon), whale shark = “butandíng” (Bikol)
3. Kapag walang eksaktong katumbas, hiramin ang salita batay sa sumusunod na kalakaran:
a. Kung wikang Espanyol ang pinanghiraman, baybayin ang salita ayon sa katutubong sistema.
b. Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan, panatilihin ang orihinal na anyo. Ingles na psychology = psychology hindi saykoloji; Kastilang psicología = sikolohiya. Ang katwiran dito ay ang kawalan ng kakumpetensiyang anyo ng baybay Espanyol.
Sa kuwento ay mahahango ang tatlo pang deribasyon: nagkúkuwento (inuulit ang “ku”); nagkwékwento (pagkatapos kaltasin ang u, inuulit ang kwe) at nagkékwento (pagkatapos kaltasin ang u, inuulit ang unang katinig at unang patinig). Kung ang pangunahing anyo ay “kwento”, mahahango lamang ang huling dalawang anyo ng reduplikasyon. Mahalagang banggitin din dito na ang biswal na ispeling ng nagkwékwento ay hindi nagkakaloob ng palatandaan para sa bumabasa kung paano ang tamang pagpapantig (nag kwé kwen to o nag kwék wen to). Walang ganitong problema sa nagkuwento at nagkukuwento.
4. Sumunod sa opisyal na pagtutumbas. Sa pana panahon ay naglalabas ang KWF, kasabay ng ibang ahensya ng pamahalaan, ng mga opisyal na pagtutumbas sa mga termino sa likas na agham, agham na panlipunan, sining at panitikan. Mangyaring sumunod sa mga opisyal na pagtutumbas o salin buhat sa mga ahensyang ito. Katulad ng Repúbliká ng Pilipinas, hindi Repúbliká ng Filipinas; aghám panlipunan, hindi sosyal sayans.

Pagbabaybay ng hiram na salita
Ito ang mga mungkahi sa pagbabaybay ng hiniram na mga salita:

1. Maaaring panatilihin ang orihinal na baybay ng lahat ng mga salitang pantangi, panteknikal at pang agham. Katulad ng Manuel Luis Quezon, Ilocos Norte, chlorophyll, at sodium chloride.
2. Maaaring baybayin alinsunod sa katutubong sistema ang lahat ng hiram na salita buhat sa Espanyol maliban sa mga salitang pantangi. Katulad ng cebollas na katumbas ng sibuyas, socorro na katumbas ng saklolo, componer na katumbas ng kumpuní, pero na katumbas ng pero.
3. Maaaring panatilihin ang orihinal na baybay ang lahat ng salitang galing sa ibang katutubong wika sa Pilipinas. Katulad ng vakul, hadji, ifun, at cañao.
4. Maaaring panatilihin ang orihinal na baybay ng lahat ng hiram na salita buhat sa Ingles maliban kung taliwas sa nakasaad sa ikalimang mungkahi. Mga halimbawa: daddy, boyfriend, sir, at joke.
5. Maaari nang baybayin alinsunod sa katutubong sistema ang lahat ng hiram na salita na naiba na ang kahulugan sa orihinal: Katulad ng stand by na binabaybay na istambay, up here na naging apír, hole in na naging holen, caltex na naging kaltek (tabò).
6. Gamitin ang baybay ng salitang hiram na matagal na o lagi nang ginagamit, tulad ng teléponó (hindi teléfonó), pamilya (hindi familiá o familya), epektibo (hindi efektibo o efektivo).
7. Kailangang tandaan na ang bawat tunog sa bawat wika ay may kanya kanyang partikularidad alinsunod sa sistemang pamponolohiya nito. Kahit magkakahawig ang bigkas (at letra) ng mga salita sa nanghihiram at sa orihinal na wika ay hindi pa rin masasabing magkakatumbas ang mga tunog ng mga ito. Halimbawa, may ilang nagmumungkahi na gamitin ang mga salitang “deskriptiv” at “narativ” (sa halip ng nakagawiang “paglalarawan” at “pasalaysay”). Ayon sa mga ito, ang “v” ay katutubong tunog daw sa mga wika sa Pilipinas kung kaya’t maaari na raw gamitin ito sa karaniwang mga salita. Ang baybay daw sa “deskriptiv” at “narativ” ay bahagi raw ng leksikal na elaborasyon ng Filipino at bahagi ng intelektwalisasyon. Hindi ito tamang katwiran, sa sumusunod na kadahilanan:
a. Ang “v” sa mga wika sa Pilipinas ay iba sa “v” ng Ingles. Panlabi ang artikulasyon ng “v” sa Pilipino; “labiodental” naman ang sa Ingles. Bukod dito, natatagpuan lamang ang “v” na Pilipino sa pagitan ng dalawang patinig; hindi ito nakikita sa dulo ng isang karaniwang salita at pantig.
b. Ang ispeling na “narativ” at “deskriptiv” ay nakikipagkumpetensya sa “narrative” at “descriptive” ng Ingles, at mababansagang maling ispeling.
c. Sa lumang tuntunin sa panghihiram, maaaring hiramin ang salita sa orihinal na anyo. Hindi na kailangang “isakatutubo” ang ispeling ng salita.
d. Ang intelektwalisasyon at modernisasyon ng wikang pambansa ay hindi lamang nakasandig sa pagkakaroon ng mga terminong magagamit sa diskursong pangkapantasan. Mas importante pa rito ay ang kahandaan ng mga Pilipinong gamitin ang sarili nilang wika upang lumikha at magpalitan ng bago, orihinal at makabuluhang mga kaalaman.

Pagbigkas sa mga hiram na salita
Ito ang mga mungkahi sa pagbigkas sa mga hiram na salitang nasa orihinal na baybay:

1. Sa pagpapanatili ng hiram na salita sa orihinal na anyo, ang mga letra, ma katinig man o ma patinig, ay maaaring kumatawan sa mahigit sa isang tunog, gaya ng ipinakikita ng sumusunod na halimbawa:
a. Ang “c” ay maaaring kumatawan sa tunog na /k/, /s/ o /č/; Kastilang casa = /'ka.sa/; Ingles na ice = /' ays/; Italayanong cello = /'če.low/
b. Ang “j” ay maaaring kumatawan sa tunog na /j/ o /h/; Ingles na jack /'jak/; Kastilang jai alai /'hay a.'láy/
c. Ang “x” ay maaaring kumatawan sa tunog na /s/ o /ks/; Ingles na extra /' eks.tra/; Ingles na xylophone = /'say.lo.fown/
2. Kahit pinanatili sa orihinal na anyo, ang mga salitang dayuhan ay binibigkas pa rin ng maraming Pilipino sa katutubong paraan gaya ng sumusunod:
a. Ang /f/ ay binibigkas na parang /p/; father / fa. r/ > / pa .der/
b. Ang /v/ ay binibigkas na parang /b/; visa / vi.sa/ > / bi.sa/
c. Ang /z/ ay binibigkas na parang /s/; zoo /zu ] > /su/
d. Ang /æ/ ay nagiging simpleng /a/; map /mæp/ > /map/
e. Ang /ow/ ay nagiging /o/; goal /gowl/ > [gol]
f. Ang /i / ay nagiging [i]; brief /bri f/ > /brip/
g. Ang /u / ay nagiging /u/; shoot /šu t/ > /šut/

PANGWAKAS.
Ang ortograpiyang ito ay ginawa alinsunod sa prinsipyo ng makabagong lingguwistika. Subalit ginawa rin ito upang tugunan ang praktikal na pangangailangan ng mga gumagamit ng wikang pambansa —mga nagsisimulang bumasa’t sumulat, at mga bihasa nang
sumusulat at nagbabasa sa wikang pambansa; mga Pilipinong ang unang wika ay Tagalog, at ang mas maraming Pilipino na ang unang wika ay di-Tagalog; mga dayuhang gustong matuto ng Filipino bilang wikang dayuhan, at ang mga Pilipinong gustong gawing tulay ang kanilang wikang sarili upang matuto ng wikang dayuhan. Hindi sapat na maging siyentipiko ang isang ortograpiya. Kailangan din itong matanggap ng publiko. Sa puntong ito, kailangang linawin na walang ganap na bagong kalakaran at
kumbensyon sa patnubay na ito. Ang marami rito ay dati nang mga kaalaman at tuntunin na naipahayag, naimungkahi o naiharap na sa nakaraan, subalit sa di malamang dahilan ay naiwaksi at nakalimutan. Sa ganang amin, ang muling pagpapahayag ng mga subok na at nakagawian nang tuntunin ay hindi masama kundi mabuting bagay.
MGA TUNOG, HABA AT DIIN

A. Mga Katinig
1. Ang mga letrang pangkatinig ay: Bb, Cc, Dd, Ff, Gg, Hh, Jj, Kk, Ll, Mm, Nn, Nn, NGng, Pp, Qq, Rr, Ss, Tt, Vv, Ww, Xx, Yy at Zz

2. Sa pagbabaybay ng karaniwang katutubong salita sa wikang pambansa, gamitin lamang ang sumusunod na mga letrang pangkatinig: Bb, Dd, Gg, Hh, Kk, Ll, Mm, Nn, NGng, Pp, Rr, Ss, Tt, Ww at Yy. Ang mga letrang ito ay sumisimbolo sa 15 sa 16 na katutubong katinig sa wikang
pambansa: [b], [d], [g], [h], [k], [l], [m], [n], [ŋ], [p], [r], [s], [t], [w], at [y]. Ang bawat letra ay representasyon ng isang katinig lamang. Ang panglabing-anim na katutubong katinig—ang impit—ay kinakatawan ng wala ( ), gitling (-), paiwa ( ` ) at pakupya ( ˆ ) .

3. Sa pagbabaybay ng mga salitang buhat sa iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas, panatilihin ang orihinal na anyo ng mga ito batay sa palabaybayan at/o palatunugan ng pinagkunang wika.

4. Sa pagbaybay ng mga hiram na salita buhat sa banyagang wika, may dalawang paraang ginagamit: una, panatilihin ang orihinal nitong anyo batay sa palabaybayan ng pinagkunang wika, at ikalawa, baybayin ito ayon sa katutubong sistemang nakasaad sa III A, 2. Kung aling paraan ang gagamitin ay matutunghayan sa ikalimang bahagi ng patnubay na ito.

5. Ang impit na tunog ay kinakatawan ng mga sumusunod na di-letrang pangkatinig: wala ( ), gitling (-), tuldik na paiwa (`) at pakupya (ˆ). [4]
_____
4Kumplikadong mga simbolo ang mga tuldik. Ang pakupya (^) ay binubuo ng markang pahilis (΄) sa kaliwa, at ng markang paiwa ( ` ) sa kanan. Ang pahilis ay simbolo ng diin sa dulong pantig; ang paiwa, sa impit na tunog sa dulo ng salita. Gayon din, ang paiwa ( ` ) ay may dalawang bahagi. Ang kaliwa ay kakikitaan ng malumay na marka na sinisimbolo ng wala ( ) at ang kanang bahagi nito, ng tuldik na paiwa. Ang wala ( ) ay sumisimbolo sa diin sa penultimang pantig at ang paiwa ( ` ) ay sumisimbolo sa impit na tunog sa dulo ng salita.

a. Ang impit na nasa unahan ng salita at nasa pagitan ng mga patinig ay hindi isinusulat: “aso” /' a . so/, at “kain” /'ka . in/.
b. Ang impit na nasa pagitan ng katinig at patinig ay kinakatawan ng gitling: “pang araw” /paŋ.' a .raw/
c. Ang impit na nasa dulong pantig ng salitang may diin sa penultima ay kinakatawan ng tuldik na paiwà sa ibabaw ng patinig ng dulong pantig: “batà” / ba .ta /
d. Ang impit na nasa dulo at may diing pantig ng salita ay kinakatawan ng tuldik na pakupya sa ibabaw ng patinig ng dulong pantig: “likô” /li. ko /. Ang impit na tunog sa pinal na pusisyon ng salita ay hindi nabibigkas ng ilang tagapagsalita. Ang dahilan nito ay sapagkat sa unang wika nila ay walang impit na matatagpuan sa naturang pusisyon. Naililipat nila ang ganitong nakagawian sa kanilang pangalawang wika: “likô” /li. ko / > /li. ko/.
e. Para sa ilang tagapagsalita, ang impit na nasa dulo ng salita ay napapalitan ng haba, kapag ang salita ay nasundan ng ibang mga salita: “matandâ” /ma.tan.'da / pero “matandá na siya” /ma.tan.da:. na. si.yá/. Para naman sa ibang tagapagsalita, nananatili ang impit kahit ang salita ay nasundan ng ibang salita: “matandâ na siya” /ma.tan. da . na. si.yá/.

B. Mga Patinig:
1. Ang mga patinig sa wikang pambansa ay kinakatawan ng mga letrang: Aa, Ee, Ii, Oo at Uu.
2. Sa pagbigkas ng katutubong salita, hindi makabuluhan ang pagkakaiba ng “i” vs. “e” at ng “o” vs. “u”. Katulad ng “sakít” = /sa. kit/ ~ /sa. ket/, “kurót” = /ku. rot/ ~ /ku. rut/, “lalake” = /la. la:.ki/ ~ /la. la:.ke/ pero: “kalalakihan” = /ka.la.la. ki .han/.
3. Kahit hindi kontrastibo sa bigkas, may nakagawian nang gamit ang “e” at “i”. gayon din ang “o” at “u”. Ginagamit ang “e” at “o” sa dulong pantig ng mga katutubong salita at ang “i” at “o” sa ibang kaligiran. Katulad ng “babae” pero: “kababaihan” hindi “kababaehan”, “buhos” pero: “buhusan” hindi “buhosan”.
4. Nagiging makabuluhan lamang ang letra at tunog na “e” at “o” kapag ikinukumpara ang mga hiram na salita sa mga katutubo o kapwa hiram na salita. Katulad ng “mesa”: “misa”, “oso” : “uso”.
5. Gaya ng mga katinig, maaari ring gamitin ang mga letrang patinig ng wikang Filipino sa pagbabaybay ng mga hiram na salita sa orihinal nilang anyo. Pero ang patinig ng hiram na salita ay maaaring kumatawan sa mahigit na isang tunog. Katulad ng “table” = /'tey.bol/, at “ballet” = /ba.'ley/.

C. Haba at Diin:
1. Ang diin ay kinakatawan ng sumusunod na simbolo: wala ( ) at pahilis ( ΄ ).

2. Ang diin sa isang bukas na pantig (i.e. isang pantig na nagtatapos sa patinig) maliban sa ultima ay binibigkas na mahaba ( ). Katulad ng tao / ta . o/, mahaba ang may diing ta pero: isá / i. sa/, walang habà ang may diing sa; sa tukóy /tu. koy/, walang habà ang may diing koy.
3. Ang diin sa penultima ay hindi isinusulat. Katulad ng tao / ta . o/; lumà / lu .ma /

4. Ang diin sa iba pang pantig maliban sa penultima ay minamarkahan ng pahilis ( ΄ ) sa ibabaw ng patinig na may diin. Katulad ng taním [ta.'nim], tániman /ta .'ni .man/, at pátániman /pa .ta .'ni .man/.

5. Ang katutubong salita na may saradong penultima ay may awtomatikong diin sa dulong pantig.[5]
Katulad ng bantáy /ban. tay/.

6. May awtomatikong diin sa dulong pantig ang katutubong salita na sa pasulat na anyo ay may magkatabing magkaparehong patinig sa penultima at sa dulong pantig. [6]
Katulad ng biík /bi.' ik/ at suót /su.' ot/.

7. May awtomatikong diin sa dulong pantig ang katutubong salita na may uw o iy sa pagitan ng penultima at dulong pantig.
Katulad ng tuwíd /tu. wid/ at tiyák /ti. yak/.
Nakakaltas ang “u” at “i” sa mga salitang ito sa aktuwal na pagsasalita:
katulad ng tuwíd / twíd/ at tiyák / tyák/.

_____
5May ilang kataliwasan dito: “pinsan”, “minsan” at “bibingka” na may diin sa saradong
penultima. Sa Sebwano, ang mga salitang may saradong penultima ay may
awtomatikong diin sa penultima..
6 Ang naturang salita, sa ponetikong transkripsiyon, ay (a) may impit na tunog sa
unahan ng dulong pantig; (b) may bukas na penultimang pantig; at (c) may
magkaparehong patinig sa dulo at penultimang pantig. Ang eksepsiyon dito ay ang
salitang “oo”.
Ang akda ito ay aking nahanap habang ako ay nagsasaliksik ng mga araling maari kong gamitin sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Inisip ko na ito maaaring makatulong sa iba na nagsasaliksik mga araling pang Filipino.

Ang patnubay na ito ay binuo ng Komisyon sa Wikang Pambasa pagkatapos ng serye ng mga konsultasyon sa buong bansa noon 2006 -07 para suriing muli ang ortograpiyang Filipino.
Maaaring magpadala ng komentaryo, katanungan, pusisyon at mungkahi tungkol sa patnubay na ito sa rnolasco_upmin@yahoo.com. Sisikapin ng KWF na ilabas ang pinal na bersyon ng patnubay bago matapos ang 2007. May bahagi ng proyektong ito na pinondohan ng Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining (NCCA).


ANG ORTOGRAPIYA NG WIKANG PAMBANSA
Komisyon sa Wikang Filipino
Agosto 1, 2007



0. PANIMULA: Ang ortograpiya ng wikang pambansa ng Pilipinas ay ang kabuuan ng ipinapalagay na pinakamaunlad at pinakatumpak na mga kalakaran kung paano inililipat ng mga Pilipino ang sinasalitang wika sa anyong pasulat. Ang ortograpiyang ito ay tumutukoy sa istandardisadong set ng mga grapema (o pasulat na mga simbolo) at ng mga tuntunin sa paggamit ng mga simbolong ito, kapag sumusulat sa wikang pambansa.[2]

I. MGA GRAPEMA. Ang mga grapema o pasulat na simbolo sa praktikal na ortograpiya ng wikang pambansa ay binubuo ng:

A. Letra (na kung tawagi’y ang alpabeto). Ito ay binubuo ng dalawampu’t walong (
28ng) simbolo:

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn Nn NGng Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww
Xx Yy Zz.

B. Di-Letra. Ang mga di-letra ay binubuo ng:
1. wala ( ) at gitling (-), na parehong sumisimbolo sa impit na tunog.
2. tuldik: wala ( ), pahilis ( ΄ ), paiwa ( `) at pakupya (ˆ )
3. bantas: tuldok (.), pananong (?), pandamdam (!), kuwit (,),
tuldukkuwit(;), tutuldok (:), at kudlit ( ’ ).

Tatalakayin sa hiwalay na papel ang gamit ng mga bantas.

II. TAWAG SA MGA LETRA AT PASALITANG PAGBAYBAY.

A. Tawag sa mga letra. May dalawang paraan sa pagtawag ng mga letra:
1. Tawag - abaseda o ponetiko:
“a”, “ba”, “se”, “da”, “e”, “fa”, “ga”, “ha”, “i”, “ja”, “ka”, “la”, “ma”,
“na”, “nya”, “nga”, “o”, “pa”, “kwa”, “ra”, “sa”, “ta” “u”, “va”, “wa”,
“eksa”, “ya”at “za”.

2. Tawag - Ingles:
“ey”, “bi”, “si”, “di”, “i”, “ef”, “ji”, “eych”, “ay”, “jey”, “key”, “el”,
“em”, “en”, “enye”, “en", "ji”, “ow”, “pi”, “kyu”, “ar”, “es”, “ti”, “yu”,
“vi”, “dobolyu”, “eks”, “way”, “zi”.

3. Ang pagtawag sa mga di-letra ay alinsunod sa I, (B).

B. Dalawang paraan ng pasalitang pagbaybay.

1. Baybay-abaseda (a-ba-se-da) o ponetiko[3]:
“Rizal” = “malaking ra”- “i”-“za”- “a”-“la”
“pag-asa = “pa”-“a”-“ga”-“gitling”-“a”-“sa”-“a”
“buko” = “ba”-“u”-“ka”-“o”
“bait” = “ba”-“a”-“i” - “ta”
“luto” = “la”-”u”-“ta”- “o”
“basa” = “ba”-“a”-“sa”- “a”

2. Baybay-Ingles (ey-bi-si-di):
“Rizal” = “kapital ar”-“ay”-“zi”- “ey”-“el”
“pag-asa” = “pi”-“ey”-“ji”-“gitling”-“ey”-“es”-“ey”
“buko” = “bi”-“yu”-“key”-“ow”
“bait” = “bi”-“ey”-“ay”-“ti”
“luto” = “el”-‘yu”-“ti”- “ow”
“basa” = “bi”-“ey”-“es”- “ey”

3. Ipinapayong ituro muna ang baybay-ponetiko lalo na sa panimulang pagbasa at pagsulat, at isunod na ituro ang baybay-Ingles.

C. Mga katwiran sa pagtuturo ng dalawang paraan ng pagbabaybay.

1. Ang mga kalakasan ng dalawang pagbabaybay ay ang sumusunod:
a) Pagsasarili. Maipapakita na magkaiba ang wikang sarili at ang wikang Ingles sa pamamagitan ng magkaibang paraan ng pasalitang pagbabaybay.
b) Madaling matutuhan. Kumpara sa tawag-Ingles, ang tawag-abaseda ay higit na malapit sa aktuwal na tunog na kinakatawan ng mga letra.
Inaasahang makapagpapadali ito sa pagkakatuto ng mga nagsisimulang bumasa’t sumulat sa wikang pambansa.
c) Episyente. Sa ortograpiyang ito ay nababaybay hindi lamang ang katutubong mga salita sa wikang pambansa at sa iba pang mga wika sa Pilipinas kundi pati ang mga hiram na salita buhat sa mga banyagang wika.
d) Tumpak. Ang pagsusulat ng mga letra at di-letra gaya ng mga tuldik at ng gitling ay nagpapatingkad sa pangangailangan na maging eksakto at tumpak, lalo pa’t ang mga tuldik at gitling ay kumakatawan sa mga makahulugang tunog sa wikang pambansa.
e) Madaling ituro. Kabisado pa rin ng mga guro ang tawag-abakada, kung kaya’t inaasahang hindi na mahihirapan ang mga ito kapag bumalik sa pagbabaybay ponetiko. Kapag walang mga tuldik, nahihirapan kapwa ang guro at mag-aaral sa pag-alam kung ano ang tamang bigkas at tamang ibig sabihin ng mga nakasulat na salita.
f) Maililipat sa ibang mga wika. Makatutulong ang ortograpiyang ito para mas madaling maunawaan at matutuhan hindi lamang ang mga lokal na wika kundi pati ang mga wika para sa mas malawak na komunikasyon (i.e. Ingles).
g) Para sa lahat. Ang pagtuturo ng pagbabaybay ay para sa kapakinabangan ng mga nagsisimulang bumasa’t sumulat at ng mga hindi katutubong tagapagsalita ng Tagalog.
Tandaan na karamihan ng mga Pilipino ay nagsasalita ng wikang pambansa (at ng Ingles)
bilang pangalawang wika.[4]
2. Tutol ang iba sa dalawang paraan ng pagbabaybay sapagkat “nakasanayan na raw ng mga tao ang baybay-Ingles.” Kahit totoo ito, dapat tandaan na ang kasanayan sa baybay- Ingles ay nakamtan sa eskuwelahan.
Ibig sabihin, maaari ring ituro at makasanayan ang baybay-abaseda.
Ang pangngalan ay may apat na kasarian. Ito ay ang sumusunod:

1. Panlalaki - bumabanggit sa tiyak na ngalan ng lalaki.

Halimbawa:
tataylolokuya ninong pastor

2. Pambabae - bumabanggit sa tiyak na ngalan ng babae.
Halimbawa:
nanaylolaateninang

3. Di-tiyak – kung ito’y tumutukoy sa ngalang pambabae or panlalaki
Halimbawa:
gurodoktorpulismanggagamot

4. Walang Kasarian o pambalake - kung ito’y bumabanggit sa mga pangngalan na walang buhay
Halimbawa:
silyasagingaklatkandila
Sabihin kung pang-uri o pang-abay ang salitang nasusulat nang pahilig at salungguhitan ang salitang binibigyan turing.

_______________ 1. Sila ay madaling natuto ng Kastila.
_______________ 2. Talagang maganda ang tinig niya.
_______________ 3. Magandang magburda ang anak ni Mang Pedro.
_______________ 4. Si Aida ay likas na mahinhin.
_______________ 5. Sadyang mahinhing kumilos si Ana.
_______________ 6. Nagsalita nang banayad ang ina.
_______________ 7. Ang pangaral ng matanda ay banayad.
_______________ 8. Ang madalas na pagsasalita ay pangit pakinggan.
_______________ 9. Lubhang matalas mangusap ang tinamo nila.
_______________ 10. Maningning na tagumpay ang tinamo nila.
_______________ 11. Masiglang sumalakay ang mga kawal.
_______________ 12. Ang lahat ay masiglang-masigla.
_______________ 13. Ang dalaga aya matiyaga sa pananahi.
_______________ 14. Matiyagang nagbantay sa may pintuan ang babae.
_______________ 15. Lahat ay malungkot nang araw na iyon.
_______________ 16. Malungkot na lumisan ang mga sawing binata.
_______________ 17. Masayang nagpaalam ang mga panauhin.
_______________ 18. Lalong masaya ang nadaluhan naming piging.
Kahulugan:
Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, lugar, bagay, pook, pangyayari at kaisipan.
Halimbawa:

nars
Frappy

aso
Luneta

kompyuter

kasalan


kapayapaan
Bb. Santos



May dalawang uri ang pangngalan, pangngalang pambalana at pantangi.

Mga Uri ng Pangngalan

Pambalana(Common) - Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, lugar, bagay, pook, pangyayari at kaisipan.

Halimbawa:

doctor
paaralan

bulaklak
pusa


Pantangi(Proper) - Ito ay tumutukoy sa tiyak o tanging ngalang ng tao, hayop, lugar, bagay, pook, pangyayari at kaisipan. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa:

Dr. Ramos
Quezon City Science High School

Muning
Araw ng Kalayaan
Panuto: Punan ng nararapat na pang-angkop ang mga sumusunod.

1. kaugalian - Filipino
2. katangian - lilinangin
3. malinis - hangin
4. dakila - bayani
5. luntian - dahon
6. mababango - bulaklak
7. likas - yaman
8. makapangyarihan - Diyos
9. tao - matulungin
10. ugali - dayuhan
Kahulugan:
Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkasng mga ito. Sa makabagong pag-aaral ng wika, ang pang-angkop ay nahahati lamang sa dalawa.

1. na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.
Halimbawa: Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang katinig.

Kaygandang tingnan ng makukulay na bulaklak.
Ang Diyos na makapangyarihan sa lahat ang tanging maaaring magliligtas sa atin
mula sa ating kasalanan.

2. -ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o u).
Halimbawa: Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha.
Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na nagtatapos
sa titik i na isang patinig.


Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n. Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik na n sa hulihan ng salita ay kinakaltas na lamang. Kaya ang pang-angkop na -ng at hindi g ang ginamit.
Halimbawa: luntian ng halaman >> luntiang halaman
Maraming banging matatarik sa ating bansa.

Kahulugan:
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Ang pang-abay at pang-uri ay kapwa mga salitang naglalarawan. Ang pang-uri ay naglalarawan ng mga pangngalan at panghalip samantalang ang pang-abay ay naglalarawan hindi lamang ng mga pandiwa kundi gayundin sa mga pang-uri at kapwa nito pang-abay. Ito ay nahahati sa iba’t ibang uri.


Mga Halimbawa:

A. Mabilis na manlalaro si Lydia de Vega.
B. Mabilis siyang tumakbo noong siya'y bata pa.

Sa unang halimbawa, ang salitang mabilis ay naglalarawan sa salitang manlalala na isang pangngalan samantalang sa pangalawang halimbawa, ang mabilis ay ginamit n panuring sa salitang tumakbo na isang pandiwa. Samakatuwid ang salitang mabilis ay maaring maging pang-uri o pang-abay ayon sa pananalitang nilarawan nito.


Mga Uri ng Pang-abay

Pamanahon ang pang-abay kapag nagsasaad ng panahong ikinaganap ng bagay o gawaing sinasabi ng pandiwa.
Halimbawa: Tuwing gabi ay nagbabasa kami ng asawa ko ng Bibliya.

Panlunan ang pang-abay kapag nagsasaad ng lunan o pook na pinangyarihan ng kilos.
Halimbawa: Itinuturo sa paaralan ang kagandahang-asal.

Pamaraan ang pang-abay kapag nagsasaad ng paraan ng pagkakaganap ng kilos.
Halimbawa: Maliwanag magsalita ang aming guro.

Panulad ang pang-abay na nagsasaad ng paghahambing.
Halimbawa: Lalong nauunawaan ang mga aralin kung pag-aaralan ito.

Panggaano ang pang-abay na nagsasaad ng dami, sukat o timbang.
Halimbawa: Hustong sumunod tayo sa mga panuntunan ng paaralan.

Pang-agam ang pang-abay kapag nagsasaad ng pag-aalinlangan o di-katiyakan. Tinatawag din itong pang-abay panubali.
Halimbawa: Siguro'y magbabago na siya.

Panang-ayon ay pang-abay na nagsasaad ng pagpayag o pagsang-ayon.
Halimbawa: Totoong mahirap mag-aral.

Pananggi ay pang-abay na nagsasaad ng pantanggi, di-pagtanggap o pagbabawal.
Halimbawa: Hindi bumabagsak ang batang masipag.

Panunuran ay pang-abay na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod
Halimbawa: Kahuli-hulihang tinawag ng guro ang batang walang takda.

Pamitagan ay pang-abay na nagpapahayag ng paggalang.
Halimbawa: Opo, tapos na po ang gawain ko.

Panuring pang-abay na nagpapahayag ng pagtanaw ng utang na loob.
Halimbawa: Maraming salamat at tinulungan mo ako.


1. Anglumalakad ng matulin, kapag natinik malalim.
2 Kapag may tiyaga, may nilaga.
3. Ang taong nagigipit kahit sa patalim kumakapit.
4. May tainga ang lupa, me pakpak ang balita.
5. Kapag may isinuksok may madudukot.
6. Daig ng maagap ang masipag.

7. Kung ano ang puno ay siyang bunga.
8. Kung me itanim me aanihin.
9. Kapag maiksi ang kumot matutong mamaluktot.
10. Kung walang apoy walang usok.
Piliin at ibigay ang panagano ng pandiwa sa pangungusap

1. Lumayas ka ngayon din.
2. Nagwelga ang mga manggagawa.
3. Humihingi sila ng mataas na sahod.
4. Dumayo sila sa Baclaran kahapon.
5. Mahirap magbayo ng palay.
6. Magtanim tayo upang mabuhay.
7. Limutin mo na ang lahat.
8. Nalulungkot ang ina ni Totoy.
9. Nanaginip ang anak niya kagabi.
10. Tutuloy ba kayo sa Baliwag bukas?
Piliin ang pandiwa at ibigay ang aspekto nito.

1. Kumikilos ang bawat mamamayan sa pagsugpo ng paglaganap ng narkotiko.
2. Inabot niyang may sakit ang kanyang kapatid.
3. Kapag masipag ka, bibigyan ka nila ng mabuting sahod.
4. Saan ka ba paroroon?
5. Babalikan ang naiwang kong asignatura sa susunod na semestre.
6. Lumapit siya sa altar at taimtim na nagdasal.
7. Sila’y nag-aaral sa aklatan.
8. Mag – aaral sila uli ng leksyon pagkatapos kumain ng hapunan.
9. Huhulihin ang mga nagtitinda ng bawal na gamot.
10. Napipinsala ang mga kabataan dahil dito.
Piliin ang pandiwa sa sa mga sumusunod na mga pangungusap. Sabihin kung anong uri ng panlapi ang ginamit.

1. Naramdaman natin ang kahalagahan ng ating Pambansang Awit.
2. Aawitin natin ito nang buong paggiliw.
3. Babalik ako sa isang taon.
4. Naghihintay ang bayan sa iyong pagkilos.
5. Bakit di ka kumilos at gumawa para sa ikauunlad ng iyong bansa?
6. Isang lalaki ang iginapos sa punong higera.
7. Siya’y nagbubuntung-hininga.
8. Naghihinagpis siya dahil sa kasawiang inabot.
9. Pinagsumikapan niyang umalpas.
10. Ipinagsumigawan niya ang kanyang kapalaran.
Pagsasanay : URI PANDIWA

I. Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay palipat o katawanin.

1. Ang mga makata ay sumulat ng mga akdang masasaya.
2. Ang mga payaso ay masigasig magpatawa.
3. Sina Severino Reyes at Hermogenes Ilagan ay nagtanghal sa mga palabas dulaan.
4. Sila ay nagpalimbag ng sari-saring akda.
5. Ang masasayang pananagalog ay dumagsa sa bayang mambabasa.
6. Ang panitikan natin ay nagkaroon ng batik.
7. Ang ibang manunulat ay kumatha ng mga akdang malalansa.
8. ang mga mambabasa ay nawalan ng gana.
9. Bumasa sila ng mga akda.
10. Ang kasipagan ay nagbubunga ng tagumpay.

Panimula

  • Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.

  • Nakakabuo ng mga pandiwa sa pananagutan ng paglalapi. Ang mga panlaping ginagamit upang makabuo ng pandiwa ay mga panlaping makadiwa

  • May limang paraan ng paglalapi upang makabuo ng pandiwa
1. Unlapi – ikinakabit ang panlapi sa unahan ng salita.
Halimbawa: umasa, uminom, magbili, pag-iisip
2. Gitlapi – kung ang panlapi’y sa loob ng salita nagsisingit.
Halimbawa: lumipat, binili, tumangkilik, sinabi
3. Hulapi – ang panlapi’y nasa hulihan ng salita ikinakabit
Halimbawa: samahan, awitin, hulihin, bayaran
4. Kabilaan – may unlapi at hulapi; ang salita’y nagigitnaan ng mga panlapi.
Halimbawa: matulungan, pag-aralan, mag-awitan
5. Laguhan – may unlapi, gitlapi, hulapi; ang panlapi ay nsa una, gitna at hulihan ng salita.
Halimbawa: pagsumikapan, magdinuguan

2 URI NG PANDIWA

Katawanin - Ito ay mga pandiwang nagpapahayag na ganap ang kilos na ginagawa ng simuno. Hindi na ito nangangailangang ng tuwirang layong.

Halimbawa:
Ang mag-anak ay kumakain ng sabay-sabay.
S P

Ang salitang kumakain ay ang salitang nagsasaad ng kilos (pandiwa). Ang gumaganap ng kilos ay ang mag-anak na siyang simuno ng pangungusap.

Nagkukuwentuhan pa sila pagkapos.

Alin ang simuno?
Ano ang salitang nagsasaad ng kilos?

Mga Sagot:
ang kaibigan
nagkukuwentuhan

Palipat - Ito ay mga pandiwang nangangailanangan pa ng tuwirang layon upang mabuo ang kaisipang nais nitong ipahayag.

Halimbawa:

Nagpadala ng mga pagkain sa mga katipunero si Tandang Sora.
Nagbigay ng magandang halimbawa sa mga kabataan si Dr. Jose Rizal.

Tandaan: Ang tuwirang layon ay siyang tagatanggap ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay maaaring pangngalan o panghalip na nagbibigay ng kumpletong kahulugan sa kilos na ginagawa ng simuno o ng tagaganap ng kilos. Karaniwan ito ay sumasagot sa tanong na ano o kanino.

Mga Aspekto ng Pandiwa

1. Perpektibo – nagsasaad ng kilos o gawain na naganap o ginagawa na.
Halimbawa
Nagpaalam kami sa nanay mo nang kami’y umalis.

2. Imperpektibo o Pangkasalukuyan – nagpapakilala ng kilos na ginaganap sa kasalukuyan Halimbawa
Hayan at umuulan na naman.

3. Kontemplatibo – nagsasaad ng kilos na hindi pa nasisimulan.
Halimbawa
Magagawa mo ba ang bagay na ito?

Mga Panagano ng Pandiwa
Isang kakanyahan ng pandiwa ang pagtataglay ng iba’t ibang anyo ayon sa panahon at panagano. May apat na panagano ng pandiwa.

A. Pawatas – binubuo ng makadiwang panlapi at salitang-ugat, walang panahon ni panauhan
Mga Halimbawa
Ang magsabi ng totoo’y tungkulin ng tao.
Ang umaawit ng opera ay isang karangalan.

B. Pautos - walang kaibahan sa anyo ng pawatas. Ito’y wala ring tiyak na panahon at ginagamit sa pag-uutos o pakiusap.
Mga Halimbawa
Umibig tayo sa Diyos.
Magkawanggawa tayo sa mga nagigipit.
Igalang ang karapatan ng isa’t isa.

C. Paturol – Iba sa lahat sapagka’t nag-iiba ang anyo ng pandiawa sa iba’t ibang aspekto ang perkpektibo, imperpektibo at kontemplatibo.
Mga Halimbawa
Ugat Panlapi Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
1. luhod um lumuhod lumuluhod luluhod
2. dasal mag nagdasal nagdarasal magdarasal
3. dasal in dinasal dinarasal darasalin
4. buti in ibinuti ibinubuti ibubuti

D. Pasakali – walang kaibahan sa paturol nguni’t ginagamitang lagi ng mga pangatnig o pang-abay upang maipahayag ang kalagayang pasubali.

Mga Halimbawa:
1. Baka matuloy kami kung may sasakyan.
2. Kung nabuhay siya disi’y Masaya ako ngayon.
3. Marahil naghihinanakit siya sa atin ngayon.