PAGGAMIT NG GITLING(-)
Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:
A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Hal. araw-araw isa-isa apat-apat
dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila
masayang-masaya


B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
Hal: mag-alis nag-isa nag-ulat
pang-ako mang-uto pag-alis
may-ari tag-init pag-asa

C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Hal: pamatay ng insekto - pamatay-insekto
kahoy sa gubat - kahoy-gubat
humgit at kumulang - humigit-kumulang
lakad at takbo - lakad-takbo
bahay na aliwan - bahay-aliwan
dalagang taga bukid - dalagang-bukid

Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito.
Hal. dalagangbukid (isda)
buntunghininga

D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling
Hal: maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino
pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique
mag-pal maka-Johnson mag-Sprite
mag-Corona mag-Ford mag-Japan

E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan
Hal. mag-Johnson magjo-Johnson
mag-Corona magco-Corona
mag-Ford magfo-Ford
mag-Japan magja-Japan
mag-Zonrox magzo-Zonrox

F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.
Hal: ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina
ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata

G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.
Hal: isang-kapat (1/4)
lima’t dalawang-kalima (5-2/5)
tatlong-kanim (3/6)

H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.
Hal. Gloria Macapagal-Arroyo
Conchita Ramos-Cruz
Perlita Orosa-Banzon

I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.
Hal.
Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino.

29 Responses
  1. Anonymous Says:

    paano po halimbawa ang mga salitang hiram gaya ng golf at snow? may general rule po ba sa mga ito?
    golf: maggolf o mag-golf
    snow: magsnow o mag-snow?
    tobogganing: magtobogganing o mag-tobogganing?


  2. Anonymous Says:

    ilan po ba ang tamang bilang ng tulad ng salitang ito "PINAGSAMA-SAMA", DALAWA PO BA O ISANG SALITA LANG?


  3. Anonymous Says:

    salamat po sa nag-post nito. malaking tulong po ito sa mga mag-aaral. mabuhay po kayo


  4. Anonymous Says:

    tama po ba ang spelling at punctuation ng salitang "Ika-Apat napu't-apat"?


  5. Anonymous Says:

    MARAMING SALAMAT PO:) MARAMI PO AKONG NATUTUNAN..AT MALAKING TULONG PO ITO SA AMING PAG-AARAL


  6. Anonymous Says:

    paano kapag mahal ko si harry potter,may gitling ba yan?


  7. Anonymous Says:

    pano po j\kapag ang salitang tumbler ay kailangan lagyan ng gitling?


  8. Anonymous Says:

    pwede po mag dagdag ng ilang mga halimbawa


  9. bellepretty Says:

    this really help me .
    thank you for posting it :)


  10. Anonymous Says:

    alin po ang tama? Ikaapat o Ika-apat?


  11. Anonymous Says:

    thank you very much
    this is so cool and good for the students
    LIKE ME!!!!!!!!!!!!!<3 <3 <3 <3 <3


  12. Anonymous Says:

    ang MakaHapon ba ay may gitling o wala?helpppppppppppp!!!!!


  13. Anonymous Says:

    siguro parang o siguro hinde


  14. Anonymous Says:

    Ikaapat po sa tingin ko..


  15. Anonymous Says:

    when to use Ibat-ibang and when to use ibat ibang?


  16. Anonymous Says:

    ahahah may assignment na ako


  17. Anonymous Says:

    sa aspektong kontemplatibo (panghinaharap), inuulit ang unang katinig at patinig ng salita, sa paglalapi at pag-uulit ng mga salitang-hiram, idinurugtong ang tunog ng unang katinig at patinig sa unlapi
    golf: maggo-golf
    snow: magso-snow

    ibang halimbawa:
    magju-juice
    magdu-duty


  18. Unknown Says:
    This comment has been removed by the author.

  19. Anonymous Says:

    pa'no kapag lalagyan ng unlapi ang salitang Ingles na nagsisimula sa patinig

    tama po ba: um-attend


  20. Anonymous Says:

    ikaapat po b o Ika-apat?


  21. Anonymous Says:

    Ang paggamit po ba ng gitling sa ikaapat ay ikaapat at kapag naman po number ay ika-4? Tama po ba?


  22. Anonymous Says:

    magkano po ang lugaw at pares? may senior citizen discount po ba?



  23. Unknown Says:

    wala pong salita na ibat-ibang, ang meron lang po ay iba't ibang (iba at iba) at kung gagamitan nyo ng gitling ay iba-iba lamang


  24. Unknown Says:

    bakit kailangan po lagyan ng gitling sa apelyido?


  25. Unknown Says:

    Paano po ginagawa ang paggigitling sa mga salita upang walang masasagasaan ito sa iba pang pahayag?



  26. Unknown Says:

    paano kung ang salita TIG may gitling ba sa Tig tatlo ?tig-apat?


  27. Unknown Says:

    kapag gumamit po ng unlaping ika sa bilang. tula ng ikalawa, ikatlo ikaapat ikalima ikaanim ... dapat po ba amg gitling o wala


Post a Comment