Ang mga salita ay may apat na kayarian. Ang mga salita ay maaaring payak, maylapi, inuulit o tambalan.

1. Payak – ang salita ay binubuo lamang ng salitang-ugat. Ang salitang-ugat ay batayang salita ng iba pang pinahabang mga salita. Samakatwid, ito ang salita sa basal o likas na anyo – walang paglalapi, pag-uulit, o pagtatambal.

Mga Halimbawa:
  • awit
  • bayani
  • watawat
  • talino
  • halaga
  • yaman
  • pinto
  • sahig
  • pera
  • aklat
  • bintana

2. Maylapi – ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. Ang mga panlapi ay mga katagang idinaragdag sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng mga salitang-ugat. May ibat’ibang uri ng mga panlapi.

a. Unlapi – ang panlapi ay matatagpuan sa unahan ng salitang-ugat.
Mga halimbawa:
  • mahusay
  • palabiro
  • tag-ulan
  • umasa
  • makatao
  • may-ari
b. Gitlapi – ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat. Ang mga karaniwang gitlapi sa Filipino ay –in- at -um-
Mga halimbawa:
  • lumakad
  • pumunta
  • binasa
  • sumamba
  • tinalon
  • sinagot
c. Hulapi – ang hulapi ay matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat. Ang mga karaniwang hulapi sa Filipino ay –an, -han, -in, at –hin.
Mga halimbawa:
  • talaan
  • batuhan
  • sulatan
  • aralin
  • punahin
  • habulin
d. Kabilaan - ang kabilaan ay binubuo ng tatlong uri. Ito’y maaaring:

1. Unlapi at Gitlapi
Mga Halimbawa:
  • isinulat
  • itinuro
  • iminungkahi
  • ibinigay
2. Unlapi at Hulapi
Mga Halimbawa:
  • nagkwentuhan
  • palaisdaan
  • kasabihan
  • matulungin
3. Gitlapi a Hulapi
Mga Halimbawa:
  • sinamahan
  • pinuntahan
  • tinandaan
  • hinangaan
e. Laguhan - ang panlapi ay binubuo ng tatlong magkakaibang uri: unlapi, gitlapi, at hulapi.
Mga halimbawa:
pinagsumikapan
nagsinampalukan

3. Inuulit – ang buong salita o bahagi ng salita ay inuulit. May dalawang anyo ng pag-uulit ng mga salita.

a. Inuulit na ganap – ang buong salita, payak man o maylapi ay inuulit.
Mga Halimbawa:
  • taun-taon
  • masayang-masaya
  • bahay-bahay
  • mabuting-mabuti
b. Inuulit na di-ganap – bahagi lamang ng salita ang inuulit.
Mga Halimbawa: pala-palagay malinis-linis susunod

4. Tambalan – ang salita ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinagsama upang makabuo ng bagong salita. May dalawang uri ng tambalang salita:

a. Tambalang salitang nanatili ang kahulugan
Mga Halimbawa:
  • isip-bata (isip na gaya ng bata)
  • buhay-mayaman (buhay ng mayaman)
  • abot-tanaw (abot ng tanaw)
  • sulat-kamay (sulat ng kamay)
Ang gitling sa pagitan ng dalawang salitang pinagtambal ay kumakatawan sa nawawalang kataga sa pagitan ng pinagtambal na salita

b. Tambalang salitang nagbibigay ng bagong kahulugan
Mga Halimbawa:
  • hampaslupa (taong napakahirap ng buhay)
  • dalagangbukid (isang uri ng isda)
  • talasalitaan (bokabularyo)
  • hanapbuhay (trabaho)
Tags: edit post
28 Responses

  1. Anonymous Says:

    Thanks!


  2. Anonymous Says:

    Maraming salamat sa blog mo... assignment namin to.. sana madami ka pang e post tungkol sa Major in Filipino na mga aralin.


  3. Anonymous Says:

    mag post pa po kayo ng maraming halimbawa ng tambalang salita.


  4. Anonymous Says:

    Thanks, very informative.


  5. Anonymous Says:

    thanks a lot:) natapos ko ang assignment ko


  6. Anonymous Says:

    thanks for all


  7. Anonymous Says:

    THANKS FOR YOUR BLOG IT HELPED ME ALOT I FINISHED MY ASSIGNMET


  8. Anonymous Says:

    Thank you so much. It really helped me! Godbless :)


  9. Anonymous Says:

    Thanks po


  10. Anonymous Says:

    Thanks a lot. it helps me understand this lesson. hope it helps me for my long test tomorrow.


  11. Anonymous Says:

    thanks for the info..



  12. Anonymous Says:

    thank you po


  13. Anonymous Says:

    maraming salamat po! :D


  14. Anonymous Says:

    maraming salamat talaga, sana marami pa kayong matulungan na mga estudyante na tulad ko..


  15. Anonymous Says:

    Thank so much!


  16. Anonymous Says:

    Salamat natulungan moko sa assignment ko. di kumpleto notes ko eh


  17. Anonymous Says:

    Salamat assignment ko to :D


  18. Anonymous Says:

    thanks


  19. Anonymous Says:

    THANK YOU PO! NAKATULONG TO PARA SA PEGREREVIEW KO NG EXAM. GOD BLESS!


  20. Anonymous Says:

    Maraming salamat po!


  21. Anonymous Says:

    thanks po sa gumawa nito hay salamat natpos rin assignment ko sa wakas




  22. Unknown Says:

    alam niyo mag dagdag pakayo ng mag kasamang salitang unlapi gitlapi hullapi


  23. Revskie Says:

    Ano ang panlapi ng linis,tuwa,sulat at laro?


  24. Unknown Says:

    Halimbawa ng pag awit sa salitang pagtatambal?


Post a Comment