1. TULDOK (.)
Ang tuldok ay ginagamit na pananda:
A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.
Hal. Igalang natin ang Pambansang Awit.
B. Sa pangalan at salitang dinaglat
Hal. Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo.
Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang “Basic Christian Living”
C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng isang balangkas, talaan.
Hal. A. 1.

2. PANANONG (?)
Ginagamit ang pananong:
A. Sa pangungusap na patanong.
Hal. Ano ang pangalan mo?
Sasama ka ba?
B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap.
Hal. Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.

3. PADAMDAM (!)
Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
Hal. Mabuhay ang Pangulo!
Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
Aray! Naapakan mo ang paa ko.

4. PAGGAMIT NG KUWIT (,)
A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri.
Hal. Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy.
Hal. Shana, saan ka nag-aaral ngayon?
B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pangkaibigan.
Hal. Mahal kong Marie,
Nagmamahal,
Sa iyo kaibigang Jose,
Tapat na sumasaiyo,
C. Pagkatapos ng OO at HINDI.
Hal. OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya.
HINDI, ayaw niyang sumama.
D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno.
Hal. Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo.
Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo.
E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalalwigan sa pamuhatan ng isang liham.
Hal. Nobyembre 14, 2008
Project 8, Quezon City
F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.
Hal. Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda”.

5. PAGGAMIT NG KUDLIT(‘)
Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas:
Hal. Siya’t ikaw ay may dalang pagkain.
Ako’y mamayang Filipino at may tungkulin mahalin at pangalagaan ang aking bayan.
13 Responses
  1. linami Says:

    itatago ko na lang po name ko sa pangalang linami maganda po itong website nyo dahil ang mga batang katulad ko ay natutulungan nyo sa aming mga aralin sa filipino..sana po ay mas ramihan myo po sa susunod ang mga topics at examples...sana po maglagay din kayo ng storya na tagalog parang meron din kamang mabasa..marami pong salamat at nabigyan nyo po kami ng spasyo para sa aming mga advice at mga suggestions...bibisitahin ko po ul8 ang website na ito sa susunod...sana po ay meron na itong pagbabago...









    p.s.

    hindi po toto0 ung website na www.linami.com
    pasensya na po kayo


  2. Anonymous Says:

    maganda ang website nyo,nagustuhan ko ito...sana madagdagan pa ito ng iba pang topics,mainap po ito sa aming mga kabataan na nangangailingan ng karagdagamg kaalaman..tnx,po sa website nyo..lge ko itong bibisitain..


  3. Anonymous Says:

    ano po ang wastong gamit ng malaking titik?


  4. Jerboy Says:

    Nakakatuwang isiping matapos mong basahin ang wastong paggamit ng bantas e biglaan mong kinalimutang gamitin ang iyong natutunan sa pagsulat ng iyong komento. Halina't ating gamitin ang natutunan.


  5. Unknown Says:

    Marami po akong natutunan dito sa website na ito.Sana po ay mas marami pa kayong matulungan lalo na po sa mga estudyanteng tulad namin upang mapalawak ang aming kaalaman sa wikang Filipino.


  6. Anonymous Says:

    nakakatuwa dahil madami akong natutunan. Napagtanto kong hindi pa pala ako beterano sa pag gamit ng sariling bantas ng ating wika. Ngunit napakalaking tulong nito sa aking takdang aralin.


  7. Anonymous Says:

    ang ganda ko


  8. Unknown Says:

    Nakakatuwa dahil sa nabasa ko dito sa website mas nadagdagan ang aking kaalaman na dati`y akala ko ay sapat na para sa pag gawa ng Essay .


  9. Anonymous Says:

    Its nice but please put more examples because some like me don't know how to use Gamit ng Bantas


  10. Unknown Says:

    Maam/Sir: Nais ko pa itong gamitin sa aking paggawa ng mga worksheet. Ito ay nakakatulong sa aking mga studyante. Maraming Salamat!


  11. leila barda Says:

    Kapag ang kinakaltas na mga titik ay sa umpisa ng salita, kailangan pa po bang gumamit ng kudlit? Katulad ng hindi. Di o ´di?


  12. Unknown Says:

    sobrang nakatulong ito saakin lalo na't ako ay isang mag-aaral.



Post a Comment