Kahulugan:
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Ang pang-abay at pang-uri ay kapwa mga salitang naglalarawan. Ang pang-uri ay naglalarawan ng mga pangngalan at panghalip samantalang ang pang-abay ay naglalarawan hindi lamang ng mga pandiwa kundi gayundin sa mga pang-uri at kapwa nito pang-abay. Ito ay nahahati sa iba’t ibang uri.
Mga Halimbawa:
A. Mabilis na manlalaro si Lydia de Vega.
B. Mabilis siyang tumakbo noong siya'y bata pa.
Sa unang halimbawa, ang salitang mabilis ay naglalarawan sa salitang manlalala na isang pangngalan samantalang sa pangalawang halimbawa, ang mabilis ay ginamit n panuring sa salitang tumakbo na isang pandiwa. Samakatuwid ang salitang mabilis ay maaring maging pang-uri o pang-abay ayon sa pananalitang nilarawan nito.
Mga Uri ng Pang-abay
Pamanahon ang pang-abay kapag nagsasaad ng panahong ikinaganap ng bagay o gawaing sinasabi ng pandiwa.
Halimbawa: Tuwing gabi ay nagbabasa kami ng asawa ko ng Bibliya.
Panlunan ang pang-abay kapag nagsasaad ng lunan o pook na pinangyarihan ng kilos.
Halimbawa: Itinuturo sa paaralan ang kagandahang-asal.
Pamaraan ang pang-abay kapag nagsasaad ng paraan ng pagkakaganap ng kilos.
Halimbawa: Maliwanag magsalita ang aming guro.
Panulad ang pang-abay na nagsasaad ng paghahambing.
Halimbawa: Lalong nauunawaan ang mga aralin kung pag-aaralan ito.
Halimbawa: Hustong sumunod tayo sa mga panuntunan ng paaralan.
Pang-agam ang pang-abay kapag nagsasaad ng pag-aalinlangan o di-katiyakan. Tinatawag din itong pang-abay panubali.
Halimbawa: Siguro'y magbabago na siya.
Panang-ayon ay pang-abay na nagsasaad ng pagpayag o pagsang-ayon.
Halimbawa: Totoong mahirap mag-aral.
Pananggi ay pang-abay na nagsasaad ng pantanggi, di-pagtanggap o pagbabawal.
Halimbawa: Hindi bumabagsak ang batang masipag.
Panunuran ay pang-abay na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod
Halimbawa: Kahuli-hulihang tinawag ng guro ang batang walang takda.
Pamitagan ay pang-abay na nagpapahayag ng paggalang.
Halimbawa: Opo, tapos na po ang gawain ko.
Panuring pang-abay na nagpapahayag ng pagtanaw ng utang na loob.
Halimbawa: Maraming salamat at tinulungan mo ako.
hindi ko nakita ang mga sagot sa mga tanong ko dito. sadyang kulang ang kanilang inilagay na mga impormasyon tungkol sa pang-abay.
:)
thanks! i got perfect on my exam for this!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
kulang ang parin ang nga impormasyon
thanks to this information it helps me a lot.:)
@Anonymous na reklamador, eh bat di ka nlng kaya maghanap sa ibang mga libro o website kung nakukulangan ka? Anlakas mo rin magreklamo, nagmamalasakit na nga ung may-ari ng page...
tnx .. i'll use dis on my report .. xD ..
hakdog kayo