Ang ponolohiya o palatunuga ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto(juncture), pagtaas-pagbaba ng tinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening)

Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. May dalawang uri ng ponema: 1 segmental at suprasegmental.

Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.

a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o glottal stop (?) sapagkat ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o maragsa.

b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang katinig


Halimbawa:
ba: tah - housedress
tub: boh - pipe
ba: ta? - child
tub: bo? - profit


c) Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u.

d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.
Halimbawa:
babae - babai
kalapati - kalapate
lalaki - lalake
noon - nuon


e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.
Halimbawa:
uso - modern

mesa - table
oso - bear

misa - mass

11 Responses
  1. Anonymous Says:

    Salamat sa info.


  2. Anonymous Says:

    tnx a lot


  3. Anonymous Says:

    salamat :))


  4. Anonymous Says:

    thank you.. may sagot na ako sa assignment ko


  5. Anonymous Says:

    tnx po may isasagot na ko sa filipino assignment ko


  6. Anonymous Says:

    pede po bang magtanong???


  7. Anonymous Says:

    Astig This :^)


  8. Anonymous Says:

    thanks for the info! it helped me a lot


  9. Anonymous Says:

    Thanks for the INFO! it really helps me^-^


  10. Anonymous Says:

    Thanks for the info��


  11. Unknown Says:

    Ang natutunan ko sa ponolohiya ito ay isang ponema na may paraan kung paano babasahin ang mga salita na may tunog,paghinto,pagtaas o pagbaba ng tinig,diin at pagpapahaba ng tunog.


Post a Comment