Wastong Gamit: Gitling

PAGGAMIT NG GITLING(-)
Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:
A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Hal. araw-araw isa-isa apat-apat
dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila
masayang-masaya


B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
Hal: mag-alis nag-isa nag-ulat
pang-ako mang-uto pag-alis
may-ari tag-init pag-asa

C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Hal: pamatay ng insekto - pamatay-insekto
kahoy sa gubat - kahoy-gubat
humgit at kumulang - humigit-kumulang
lakad at takbo - lakad-takbo
bahay na aliwan - bahay-aliwan
dalagang taga bukid - dalagang-bukid

Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito.
Hal. dalagangbukid (isda)
buntunghininga

D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling
Hal: maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino
pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique
mag-pal maka-Johnson mag-Sprite
mag-Corona mag-Ford mag-Japan

E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan
Hal. mag-Johnson magjo-Johnson
mag-Corona magco-Corona
mag-Ford magfo-Ford
mag-Japan magja-Japan
mag-Zonrox magzo-Zonrox

F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.
Hal: ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina
ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata

G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.
Hal: isang-kapat (1/4)
lima’t dalawang-kalima (5-2/5)
tatlong-kanim (3/6)

H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.
Hal. Gloria Macapagal-Arroyo
Conchita Ramos-Cruz
Perlita Orosa-Banzon

I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.
Hal.
Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino.

This entry was posted on and is filed under ,. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.

14 Responses to “Wastong Gamit: Gitling”

  1. paano po halimbawa ang mga salitang hiram gaya ng golf at snow? may general rule po ba sa mga ito?
    golf: maggolf o mag-golf
    snow: magsnow o mag-snow?
    tobogganing: magtobogganing o mag-tobogganing?

    ReplyDelete
  2. ilan po ba ang tamang bilang ng tulad ng salitang ito "PINAGSAMA-SAMA", DALAWA PO BA O ISANG SALITA LANG?

    ReplyDelete
  3. salamat po sa nag-post nito. malaking tulong po ito sa mga mag-aaral. mabuhay po kayo

    ReplyDelete
  4. tama po ba ang spelling at punctuation ng salitang "Ika-Apat napu't-apat"?

    ReplyDelete
  5. MARAMING SALAMAT PO:) MARAMI PO AKONG NATUTUNAN..AT MALAKING TULONG PO ITO SA AMING PAG-AARAL

    ReplyDelete
  6. paano kapag mahal ko si harry potter,may gitling ba yan?

    ReplyDelete
  7. pano po j\kapag ang salitang tumbler ay kailangan lagyan ng gitling?

    ReplyDelete
  8. pwede po mag dagdag ng ilang mga halimbawa

    ReplyDelete
  9. this really help me .
    thank you for posting it :)

    ReplyDelete
  10. alin po ang tama? Ikaapat o Ika-apat?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ikaapat po sa tingin ko..

      Delete
  11. thank you very much
    this is so cool and good for the students
    LIKE ME!!!!!!!!!!!!!<3 <3 <3 <3 <3

    ReplyDelete
  12. ang MakaHapon ba ay may gitling o wala?helpppppppppppp!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. siguro parang o siguro hinde

      Delete