[Ikalawang Bahagi] Ang Ortograpiyang Ng Wikang Pambansa

MGA TUNOG, HABA AT DIIN

A. Mga Katinig
1. Ang mga letrang pangkatinig ay: Bb, Cc, Dd, Ff, Gg, Hh, Jj, Kk, Ll, Mm, Nn, Nn, NGng, Pp, Qq, Rr, Ss, Tt, Vv, Ww, Xx, Yy at Zz

2. Sa pagbabaybay ng karaniwang katutubong salita sa wikang pambansa, gamitin lamang ang sumusunod na mga letrang pangkatinig: Bb, Dd, Gg, Hh, Kk, Ll, Mm, Nn, NGng, Pp, Rr, Ss, Tt, Ww at Yy. Ang mga letrang ito ay sumisimbolo sa 15 sa 16 na katutubong katinig sa wikang
pambansa: [b], [d], [g], [h], [k], [l], [m], [n], [ŋ], [p], [r], [s], [t], [w], at [y]. Ang bawat letra ay representasyon ng isang katinig lamang. Ang panglabing-anim na katutubong katinig—ang impit—ay kinakatawan ng wala ( ), gitling (-), paiwa ( ` ) at pakupya ( ˆ ) .

3. Sa pagbabaybay ng mga salitang buhat sa iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas, panatilihin ang orihinal na anyo ng mga ito batay sa palabaybayan at/o palatunugan ng pinagkunang wika.

4. Sa pagbaybay ng mga hiram na salita buhat sa banyagang wika, may dalawang paraang ginagamit: una, panatilihin ang orihinal nitong anyo batay sa palabaybayan ng pinagkunang wika, at ikalawa, baybayin ito ayon sa katutubong sistemang nakasaad sa III A, 2. Kung aling paraan ang gagamitin ay matutunghayan sa ikalimang bahagi ng patnubay na ito.

5. Ang impit na tunog ay kinakatawan ng mga sumusunod na di-letrang pangkatinig: wala ( ), gitling (-), tuldik na paiwa (`) at pakupya (ˆ). [4]
_____
4Kumplikadong mga simbolo ang mga tuldik. Ang pakupya (^) ay binubuo ng markang pahilis (΄) sa kaliwa, at ng markang paiwa ( ` ) sa kanan. Ang pahilis ay simbolo ng diin sa dulong pantig; ang paiwa, sa impit na tunog sa dulo ng salita. Gayon din, ang paiwa ( ` ) ay may dalawang bahagi. Ang kaliwa ay kakikitaan ng malumay na marka na sinisimbolo ng wala ( ) at ang kanang bahagi nito, ng tuldik na paiwa. Ang wala ( ) ay sumisimbolo sa diin sa penultimang pantig at ang paiwa ( ` ) ay sumisimbolo sa impit na tunog sa dulo ng salita.

a. Ang impit na nasa unahan ng salita at nasa pagitan ng mga patinig ay hindi isinusulat: “aso” /' a . so/, at “kain” /'ka . in/.
b. Ang impit na nasa pagitan ng katinig at patinig ay kinakatawan ng gitling: “pang araw” /paŋ.' a .raw/
c. Ang impit na nasa dulong pantig ng salitang may diin sa penultima ay kinakatawan ng tuldik na paiwà sa ibabaw ng patinig ng dulong pantig: “batà” / ba .ta /
d. Ang impit na nasa dulo at may diing pantig ng salita ay kinakatawan ng tuldik na pakupya sa ibabaw ng patinig ng dulong pantig: “likô” /li. ko /. Ang impit na tunog sa pinal na pusisyon ng salita ay hindi nabibigkas ng ilang tagapagsalita. Ang dahilan nito ay sapagkat sa unang wika nila ay walang impit na matatagpuan sa naturang pusisyon. Naililipat nila ang ganitong nakagawian sa kanilang pangalawang wika: “likô” /li. ko / > /li. ko/.
e. Para sa ilang tagapagsalita, ang impit na nasa dulo ng salita ay napapalitan ng haba, kapag ang salita ay nasundan ng ibang mga salita: “matandâ” /ma.tan.'da / pero “matandá na siya” /ma.tan.da:. na. si.yá/. Para naman sa ibang tagapagsalita, nananatili ang impit kahit ang salita ay nasundan ng ibang salita: “matandâ na siya” /ma.tan. da . na. si.yá/.

B. Mga Patinig:
1. Ang mga patinig sa wikang pambansa ay kinakatawan ng mga letrang: Aa, Ee, Ii, Oo at Uu.
2. Sa pagbigkas ng katutubong salita, hindi makabuluhan ang pagkakaiba ng “i” vs. “e” at ng “o” vs. “u”. Katulad ng “sakít” = /sa. kit/ ~ /sa. ket/, “kurót” = /ku. rot/ ~ /ku. rut/, “lalake” = /la. la:.ki/ ~ /la. la:.ke/ pero: “kalalakihan” = /ka.la.la. ki .han/.
3. Kahit hindi kontrastibo sa bigkas, may nakagawian nang gamit ang “e” at “i”. gayon din ang “o” at “u”. Ginagamit ang “e” at “o” sa dulong pantig ng mga katutubong salita at ang “i” at “o” sa ibang kaligiran. Katulad ng “babae” pero: “kababaihan” hindi “kababaehan”, “buhos” pero: “buhusan” hindi “buhosan”.
4. Nagiging makabuluhan lamang ang letra at tunog na “e” at “o” kapag ikinukumpara ang mga hiram na salita sa mga katutubo o kapwa hiram na salita. Katulad ng “mesa”: “misa”, “oso” : “uso”.
5. Gaya ng mga katinig, maaari ring gamitin ang mga letrang patinig ng wikang Filipino sa pagbabaybay ng mga hiram na salita sa orihinal nilang anyo. Pero ang patinig ng hiram na salita ay maaaring kumatawan sa mahigit na isang tunog. Katulad ng “table” = /'tey.bol/, at “ballet” = /ba.'ley/.

C. Haba at Diin:
1. Ang diin ay kinakatawan ng sumusunod na simbolo: wala ( ) at pahilis ( ΄ ).

2. Ang diin sa isang bukas na pantig (i.e. isang pantig na nagtatapos sa patinig) maliban sa ultima ay binibigkas na mahaba ( ). Katulad ng tao / ta . o/, mahaba ang may diing ta pero: isá / i. sa/, walang habà ang may diing sa; sa tukóy /tu. koy/, walang habà ang may diing koy.
3. Ang diin sa penultima ay hindi isinusulat. Katulad ng tao / ta . o/; lumà / lu .ma /

4. Ang diin sa iba pang pantig maliban sa penultima ay minamarkahan ng pahilis ( ΄ ) sa ibabaw ng patinig na may diin. Katulad ng taním [ta.'nim], tániman /ta .'ni .man/, at pátániman /pa .ta .'ni .man/.

5. Ang katutubong salita na may saradong penultima ay may awtomatikong diin sa dulong pantig.[5]
Katulad ng bantáy /ban. tay/.

6. May awtomatikong diin sa dulong pantig ang katutubong salita na sa pasulat na anyo ay may magkatabing magkaparehong patinig sa penultima at sa dulong pantig. [6]
Katulad ng biík /bi.' ik/ at suót /su.' ot/.

7. May awtomatikong diin sa dulong pantig ang katutubong salita na may uw o iy sa pagitan ng penultima at dulong pantig.
Katulad ng tuwíd /tu. wid/ at tiyák /ti. yak/.
Nakakaltas ang “u” at “i” sa mga salitang ito sa aktuwal na pagsasalita:
katulad ng tuwíd / twíd/ at tiyák / tyák/.

_____
5May ilang kataliwasan dito: “pinsan”, “minsan” at “bibingka” na may diin sa saradong
penultima. Sa Sebwano, ang mga salitang may saradong penultima ay may
awtomatikong diin sa penultima..
6 Ang naturang salita, sa ponetikong transkripsiyon, ay (a) may impit na tunog sa
unahan ng dulong pantig; (b) may bukas na penultimang pantig; at (c) may
magkaparehong patinig sa dulo at penultimang pantig. Ang eksepsiyon dito ay ang
salitang “oo”.

This entry was posted on and is filed under ,. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response.

3 Responses to “[Ikalawang Bahagi] Ang Ortograpiyang Ng Wikang Pambansa”

  1. Halu po.

    Pwede po ba humingi ng 20 examples nga nga salitang nagtatapos sa "IW"?

    Salamat po.

    ReplyDelete
  2. pwede po ba magbigay kayo ng mga halimbawa ng mga salita na may pahabang pantig sa unahan

    ReplyDelete
  3. panu ko pa malalaman yung sagot ko

    ReplyDelete