PANTIGAng
pantig ay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng lalamunan o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.
Kayarian ng PantigGumagamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig sa pagtukoy ng kayarian ng pantig.
Kayarian | Halimbawa |
|
P | a-so |
KP | ma-ta |
PK | ak-lat |
KPK | sak-lap |
KKP | blu-sa |
PKK | eks-pre-syon |
KKPK | plan-ta |
KPKK | nars |
KKPKK | trans-por-ta-syon |
c Ang Pagpapantig
Ang pagpapantig ay paghahati ng salita sa pantig o mga pantig.
1 Ang magkasunod na dalawa o higit pang patinig ng salita ay hiwalay na mga pantig
Halimbawa:
uupo > u – u - po
paano > pa – a – no
noo > no - o
2 Ang magkasunod na katinig sa loob ng isang salita ay pinaghihiwalay, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang ikalawa ay sa patinig na kasunod.
Halimbawa:
tukso > tuk - so
pandak > pan - dak
luksa > luk – sa
3 Sa hiram na salita, ang magkasunod na katinig ay parehong kasama sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
sobre > so-bre
pobre > po-bre
4 Sa pag-uulit ng pantig:
a. Ang patinig lamang ang inuulit kung ito ay unang tunog ng salitang ugat.
Halimbawa:
asa > a-a-sa
alsa > a-al-sa
ekstra > e-eks-tra
b. Kung ang unang pantig ng salitang ugat ay nagsisimula sa katinig-patinig ang katinig at kasunod na patinig lamang ang inuulit
Halimbawa:
punta > pu-pun-ta
sulat > su-su-lat
prito > pi-prituhin
Ang wastong gamit ay
bitiwan at hindi bitawan. Ang salitang-ugat ay bitiw at hindi bitaw. Ang salitang "bitaw" ay ginagamit sa pagsasabong ng manok samantalang ang "bitiw" ay sa pagkawala o pag-alis sa pagkakahawak.
Halimbawa:
1. Bitiwan mo ang mga braso ko kung hindi ay sisigaw ako.
2. Nabitiwan ni Aling Nena ang mga pinamalengke dahil sa takot.
3. Binitawan ni Mang Kanor anga kabayong nagwawala.
4. "Bitiwan mo muna yang mga hawak mong holen at tulungan mo ako sa pag-iigib", ang sigaw ni Boyet sa kapatid.
5. Bitiwan mo na ang pag-asang babalikan ka pa ng iyong kasintahan.
Ang "bitawan" ay nauukol sa pook na pinagdarausan ng paglalaban ng mga manok na walang tari. Ito ay maaring sa kalsada o bakuran.
Ang "bitaw" ay idinaraos upang bigyan ng pagsasanay ang mga manok.
PAGGAMIT NG GITLING(-) Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:
A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Hal. araw-araw isa-isa apat-apat
dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila
masayang-masaya
B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
Hal: mag-alis nag-isa nag-ulat
pang-ako mang-uto pag-alis
may-ari tag-init pag-asa
C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Hal: pamatay ng insekto - pamatay-insekto
kahoy sa gubat - kahoy-gubat
humgit at kumulang - humigit-kumulang
lakad at takbo - lakad-takbo
bahay na aliwan - bahay-aliwan
dalagang taga bukid - dalagang-bukid
Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito.
Hal. dalagangbukid (isda)
buntunghininga
D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling
Hal: maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino
pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique
mag-pal maka-Johnson mag-Sprite
mag-Corona mag-Ford mag-Japan
E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan
Hal. mag-Johnson magjo-Johnson
mag-Corona magco-Corona
mag-Ford magfo-Ford
mag-Japan magja-Japan
mag-Zonrox magzo-Zonrox
F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.
Hal: ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina
ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata
G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.
Hal: isang-kapat (1/4)
lima’t dalawang-kalima (5-2/5)
tatlong-kanim (3/6)
H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.
Hal. Gloria Macapagal-Arroyo
Conchita Ramos-Cruz
Perlita Orosa-Banzon
I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.
Hal.
Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino.
1. TULDOK (.) Ang tuldok ay ginagamit na pananda:
A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.
Hal. Igalang natin ang Pambansang Awit.
B. Sa pangalan at salitang dinaglat
Hal. Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo.
Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang “Basic Christian Living”
C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng isang balangkas, talaan.
Hal. A. 1.
2. PANANONG (?)
Ginagamit ang pananong:
A. Sa pangungusap na patanong.
Hal. Ano ang pangalan mo?
Sasama ka ba?
B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap.
Hal. Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.
3. PADAMDAM (!)
Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
Hal. Mabuhay ang Pangulo!
Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
Aray! Naapakan mo ang paa ko.
4. PAGGAMIT NG KUWIT (,)
A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri.
Hal. Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy.
Hal. Shana, saan ka nag-aaral ngayon?
B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pangkaibigan.
Hal. Mahal kong Marie,
Nagmamahal,
Sa iyo kaibigang Jose,
Tapat na sumasaiyo,
C. Pagkatapos ng OO at HINDI.
Hal. OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya.
HINDI, ayaw niyang sumama.
D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno.
Hal. Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo.
Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo.
E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalalwigan sa pamuhatan ng isang liham.
Hal. Nobyembre 14, 2008
Project 8, Quezon City
F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.
Hal. Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda”.
5. PAGGAMIT NG KUDLIT(‘)
Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas:
Hal. Siya’t ikaw ay may dalang pagkain.
Ako’y mamayang Filipino at may tungkulin mahalin at pangalagaan ang aking bayan.