Wastong Gamit
NANG

  • Sumasagot sa tanong na paano
         Paano nagbasa si Ella?
         Nagbasa si Ella nang malinaw at maayos.
         Nagbasa si Ella nang mabilis.
         Nagbasa si Ella nang malakas.
  • Kapag umuulit ang salitang kilos
         Takbo nang takbo ang mga manlalaro.
         Kain nang kain ang bata.
  • Sumasagot sa tanong na gaano
          Gaano kalaki ang itinaas ni Juan?
          Si Juan ay tumaas lamang nang bahagyan.
          Gaano kalaki ang itinaas ng presyo ng bigas?
          Ang presyo ng bigas ay tumaas nang mahigit isandaang porsiyento.
Ang Panghalip ay salitang ginagamit panghalili o pamalit sa pangngalan.

MGA URI NG PANGHALIP
PANGHALIP PANAO ay salitang ginamit panghalili o pamalit sa ngalan ng tao o mga tao.
Halimbawa:
ako, ikaw, sayo, atin, amin, kita, siya, kata, kayo, tayo, sila, kami.

Tatlong Panauhan ng Panao

1. Nagsasalita - Ito ay mga panghalip na tumutukoy sa taong nagsasalaysay. Tinatawag din itong unang panauhan.
     Halimbawa:  ako, tayo at kami.

2. Kausap - Ito ay mga panghalip na nauukol sa taong kinakausap. Tinatawag din itong ikalawang panauhan.
    Halimbawa: ikaw, ka, kayo.

3. Pinag-uusapan - Ito ay mga panghalip na nauukol sa tanong pinag-uusapan. Tinatawag din itong ikatlong panauhan.

Kailanan ng Panghalip na Panao

1. Isahan - Ito ay panghalip na ginagamit at nauukol sa isang tao lamang.
    Halimbawa:
     Ako ay Filipino.
     Ikaw ay may karapatan at tungkulin sa bayan
     Siya rin ay marunong sumunod sa batas.
     Nararapat ka bang bigyan ng gantimpala?

2. Dalawahan - Ito ay panghalip na ginagamit at nauukol sa dalawang tao, ang nagsasalita at ang kausap.
    Halimbawa:
    Pinapatawad na kita.
    Kata ang magdala ng mga paninda ni Nanay.

3.  Maramihan - Ito ay panghalip na ginagamit at nauukol sa maraming tao o higit sa dalawang tao.
     Halimbawa:
     Tayo ay maligo sa dagat.
     Kami ay sasama sa pangunguha ni Tatay ng mga buko.
     Sila lamang ang magbabakasyon sa probinsiya.

PANGHALIP NA PAMATLIG ay mga salitang ginagamit sa pagtuturo ng isang tao, hayop, bagay, lunan o pangyayari.

Tatlong Kalagayan ng mga Uri ng Panghalip Pamatlig
  •  Malapit sa nagsasalita:
      •  ito, ire, yari, nito, nire, niyari, ganito, ganire, gayari, dito, dine, ayto, ere, heto. 
  •  Malapit sa kausap:
      • iyan, niyan, ganyan, diyan, hayan, aya
  • Malapit sa pinag-uusapan:
      •  iyan, niyon, ganoon, gayon, doon, hayun, ayun

PANGHALIP PANANONG ay mga salitang kumakatawan sa ngalan ng tao o bagay. Ito ay karaniwang ginagamit na kaganapang pansimumo at hindi simuno.
      • Ano ang nais mo?
      • Sino ang dapat managot sa aksidenteng naganap?
      • Kaninong anak ang nagkamit ng Unang Karangalan? 
      • Sino - sa tao?
      • Kanino at nino - taong nag-aari ng panghalip
      • Ano at atin - sa mga bagay
      • Bakit - sa dahilan
      • Paano - sa pamaraan ng pagkakagawa ng bagay
      • Kailan - sa panahon o oras
      • Saan at nasaan - sa lugar.
PANGHALIP NA PANAKLAW ay mga salitang may sinasakop na kaisahan, dami o kalahatan ng mga panghalip na ito.
Kaisahan: isa, isa pa, iba, balana
Dami o Kalahatan: lahat, tanaw, madla, pawa
Galing sa ibang Panghalip: anuman, sinuman, alinman, kailanman, saanman, gaanuman, magkanuman, kuwan at ano.
  
Ang dalawang ayos ng pangungusap ay ang karaniwan o tuwid at di-karaniwan o baligtad na ayos.

1. Karaniwan o Tuwid na ayos ng pangungusap.
Ito ay ang ayos ng pangungusap na kadalasang ginagamit natin lalo na sa mga pasalitang Gawain.
Nauuna ang panaguri o ang bahagi nito sa simuno ng pangungusap.

Mga Halimbawa
Punung-puno ng iba’t ibang damdamin / ang musika.
Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music / ang OPM.
Isang patunay / ito / ng pagiging malikhain ng mga Filipino.

Ang Punung-puno ng iba’t ibang damdamin, Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music at isang patunay ay pawang mga panaguri. At sila ay matatagpuan bago ang mga simuno ng pangungusap.


2. Di-Karaniwan o Baligtad na ayos ng pangungusap
Ito ang ayos ng pangungusap na nauuna ang simuno sa panaguri ng pangungusap. Ang dalawang bahaging ito ay pinag-uugnay ng panandang ay.

Sa mga sumusunod na halimbawa, mapapansin na ang mga simuno na ang nauuna kaysa sa mga panaguri.

Mga Halimbawa
Ang musika / ay punung-puno ng damdamin.
Ang OPM / ay nangangahulugang Original Pilipino Music.
Ito / ay isang patunay ng pagiging malikhain ng mga Filipino.