Ang ponolohiya o palatunuga ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto(juncture), pagtaas-pagbaba ng tinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening)
Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. May dalawang uri ng ponema: 1 segmental at suprasegmental.
Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.
a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o glottal stop (
?) sapagkat ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o maragsa.
b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang katinig
Halimbawa:
ba: tah - housedress |
| tub: boh - pipe |
ba: ta? - child |
| tub: bo? - profit |
c) Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u.
d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.
Halimbawa:
babae - babai |
| kalapati - kalapate |
lalaki - lalake |
| noon - nuon |
e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.
Halimbawa:
uso - modern
|
| mesa - table |
oso - bear
|
| misa - mass |
Mayroong limang dahilan ibinigay ang Surian ng Wikang Pambansa kung bakit sa Tagalog ibinatay ang wikang Pambansa. Ito ay ang mga sumusunod.
1. Ito ay may pinakamayamang talasalitaan. Katunayan, ang Tagalog ay binubuo ng 30,000 salitang-ugat at 700 panlapi.
2. Ito ang wikang ginagamit sa sentrong kalakalan.
3. Ito ang salita o wikang ginagamit ng nakararami.
4. Ito ay madaling pag-aralan, matutunan at bigkasin.
5. May pinakamaunlad na panitikan sa lahat ng katutubong Wika sa Pilipinas.
Ang makabagong alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik. Ito ay hinango sa alfabetong Ingles na may 26 na titik at dinagdagan ng titik Ñ at NG. Ang NG ay itunuturing na isang titik lamang.
Kasaysayan ng Alfabetong Filipino
Alibata ang tawag sa kauna-unahang alfabetong Filipino. Ito ay pamana ng mga nandayuhang Malayo-Polinesyo at binubuo ng labimpitong titik: 3 patinig at 14 katinig.
Mula sa Alibata, nabuo ang abakadang Filipino. Ito ay binubuo ng 20 titik: 5 patinig at 15 patinig. Noong 1971, nagdagdag ng 11 titik sa dating alpabetong Filipino. Ang mga alpabetong nadagdag ay, C, Ch, F, J, Ll, Ñ, Q, Rr, V, X, at Z. Samakatuwid ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 31 titik.
Ang makabagong alfabeto ay binubuo ng 28 titik, 20 ang galing sa orihinal na abakada at isinama ang pitong titik ng English: C, F, J, Q, V, X, Z at Ñ mula sa Kastila. Ayon sa ulat na ginawa ni Dr. Ernesto Constantino ng Pamantasan ng Pilipinas, ang pagdaragdag ng nasabing walong titik na bagong alpabeto ay magpapadali sa panghihiram ng mga salitang kailangang hiramin para mapayaman, mapaunlad at maging epektibo at modernisado ang Wikang Pambansa.
Aa[ey] | Bb[bi] | Cc[si] | Dd[di] | Ee[ii] | Ff[ef] | Gg[dyi] | Hh[eyts] |
Ii[ay] | Jj[dsey] | Kk[key] | Ll[el] | Mm[em] | Nn[en] | Ññ[enye] | NGng[en dyi] |
Oo[o] | Pp[pi] | Qq[kyu] | Rr[ar] | Ss[es] | Tt[ti] | Uu[yu] | Vv[vi] |
|
| Ww[dobolyu] | Xx[eks] | Yy[way] | Zz[zi] |
|
|
Ang
wika ang pinakamabisang instrumento ng komunikasyon at
wikang Filipino para sa mga Filipino.
Ang wika ay mayroong apat na antas. Ito ay ang sumusunod:
1. Balbal - ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ng mga salitang kanto na sumusulpot sa kapaligiran.
Halimbawa: epal (mapapel), istokwa (layas) haybol (bahay)
2. Lingua Franca o Panlalawigan - Kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa lalawigan.
3. Pambansa - salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa.
4. Pampanitikan - Ito ang antas na may pinakamayamang uri. Madalas ito ay ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan. Idiyoma, eskima, tayutay, at iba't ibang tono, tema, at punto ay ginagamit sa pampanitikan.
TUTULDOK( : ) A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.
Hal. Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa.
B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal.
Hal. Dr. Garcia:
Bb. Zorilla:
C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.
Hal. 8:00 a.m Juan 16:16
TUTULDOK - KUWIT( ; )
A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham pangalakal.
Hal. Ginoo;
Bb;
B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig.
Hal.
1. Kumain ka ng maraming prutasl ito’y makabubuti sa katawan.
2. Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang magpatiwakal.
C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.
Hal. Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.
PANIPI (“”)
A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi.
Hal. “Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.
B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba’t ibang mga akda.
Hal.
1. Nagbukas na muli ang “Manila Times”.
2. Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”.
3. Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang “Anak Dalita”.
C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.
Hal. Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer Programming”.
PANAKLONG ( () )
A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.
Hal. Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.
B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan.
Hal. Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay humigit kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao.
C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon.
Hal. Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )
TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS (…)
A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag. Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa mga salitang nawawala ay sa hulihan ng pangungusap.
Hal. Pinagtibay ng Pangulong Arroy …
B. Sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangang sipiin.
Hal:
Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang…