Panuto: Punan ng nararapat na pang-angkop ang mga sumusunod.1. kaugalian - Filipino
2. katangian - lilinangin
3. malinis - hangin
4. dakila - bayani
5. luntian - dahon
6. mababango - bulaklak
7. likas - yaman
8. makapangyarihan - Diyos
9. tao - matulungin
10. ugali - dayuhan
Kahulugan:
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Ang pang-abay at pang-uri ay kapwa mga salitang naglalarawan. Ang pang-uri ay naglalarawan ng mga pangngalan at panghalip samantalang ang pang-abay ay naglalarawan hindi lamang ng mga pandiwa kundi gayundin sa mga pang-uri at kapwa nito pang-abay. Ito ay nahahati sa iba’t ibang uri.
Mga Halimbawa:
A. Mabilis na manlalaro si Lydia de Vega.
B. Mabilis siyang tumakbo noong siya'y bata pa.
Sa unang halimbawa, ang salitang mabilis ay naglalarawan sa salitang manlalala na isang pangngalan samantalang sa pangalawang halimbawa, ang mabilis ay ginamit n panuring sa salitang tumakbo na isang pandiwa. Samakatuwid ang salitang mabilis ay maaring maging pang-uri o pang-abay ayon sa pananalitang nilarawan nito.
Mga Uri ng Pang-abay
Pamanahon ang pang-abay kapag nagsasaad ng panahong ikinaganap ng bagay o gawaing sinasabi ng pandiwa.
Halimbawa: Tuwing gabi ay nagbabasa kami ng asawa ko ng Bibliya.
Panlunan ang pang-abay kapag nagsasaad ng lunan o pook na pinangyarihan ng kilos.
Halimbawa: Itinuturo sa paaralan ang kagandahang-asal.
Pamaraan ang pang-abay kapag nagsasaad ng paraan ng pagkakaganap ng kilos.
Halimbawa: Maliwanag magsalita ang aming guro.
Panulad ang pang-abay na nagsasaad ng paghahambing.
Halimbawa: Lalong nauunawaan ang mga aralin kung pag-aaralan ito.
Panggaano ang pang-abay na nagsasaad ng dami, sukat o timbang.Halimbawa: Hustong sumunod tayo sa mga panuntunan ng paaralan.Pang-agam ang pang-abay kapag nagsasaad ng pag-aalinlangan o di-katiyakan. Tinatawag din itong pang-abay panubali.Halimbawa: Siguro'y magbabago na siya.Panang-ayon ay pang-abay na nagsasaad ng pagpayag o pagsang-ayon.Halimbawa: Totoong mahirap mag-aral.Pananggi ay pang-abay na nagsasaad ng pantanggi, di-pagtanggap o pagbabawal.Halimbawa: Hindi bumabagsak ang batang masipag.Panunuran ay pang-abay na nagsasaad ng pagkakasunod-sunodHalimbawa: Kahuli-hulihang tinawag ng guro ang batang walang takda.Pamitagan ay pang-abay na nagpapahayag ng paggalang.Halimbawa: Opo, tapos na po ang gawain ko.Panuring pang-abay na nagpapahayag ng pagtanaw ng utang na loob.Halimbawa: Maraming salamat at tinulungan mo ako.
1. Anglumalakad ng matulin, kapag natinik malalim.
2 Kapag may tiyaga, may nilaga.
3. Ang taong nagigipit kahit sa patalim kumakapit.
4. May tainga ang lupa, me pakpak ang balita.
5. Kapag may isinuksok may madudukot.
6. Daig ng maagap ang masipag.
7. Kung ano ang puno ay siyang bunga.
8. Kung me itanim me aanihin.
9. Kapag maiksi ang kumot matutong mamaluktot.
10. Kung walang apoy walang usok.
Piliin at ibigay ang panagano ng pandiwa sa pangungusap
1. Lumayas ka ngayon din.
2. Nagwelga ang mga manggagawa.
3. Humihingi sila ng mataas na sahod.
4. Dumayo sila sa Baclaran kahapon.
5. Mahirap magbayo ng palay.
6. Magtanim tayo upang mabuhay.
7. Limutin mo na ang lahat.
8. Nalulungkot ang ina ni Totoy.
9. Nanaginip ang anak niya kagabi.
10. Tutuloy ba kayo sa Baliwag bukas?
Piliin ang pandiwa at ibigay ang aspekto nito.
1. Kumikilos ang bawat mamamayan sa pagsugpo ng paglaganap ng narkotiko.
2. Inabot niyang may sakit ang kanyang kapatid.
3. Kapag masipag ka, bibigyan ka nila ng mabuting sahod.
4. Saan ka ba paroroon?
5. Babalikan ang naiwang kong asignatura sa susunod na semestre.
6. Lumapit siya sa altar at taimtim na nagdasal.
7. Sila’y nag-aaral sa aklatan.
8. Mag – aaral sila uli ng leksyon pagkatapos kumain ng hapunan.
9. Huhulihin ang mga nagtitinda ng bawal na gamot.
10. Napipinsala ang mga kabataan dahil dito.
Piliin ang pandiwa sa sa mga sumusunod na mga pangungusap. Sabihin kung anong uri ng panlapi ang ginamit.
1. Naramdaman natin ang kahalagahan ng ating Pambansang Awit.
2. Aawitin natin ito nang buong paggiliw.
3. Babalik ako sa isang taon.
4. Naghihintay ang bayan sa iyong pagkilos.
5. Bakit di ka kumilos at gumawa para sa ikauunlad ng iyong bansa?
6. Isang lalaki ang iginapos sa punong higera.
7. Siya’y nagbubuntung-hininga.
8. Naghihinagpis siya dahil sa kasawiang inabot.
9. Pinagsumikapan niyang umalpas.
10. Ipinagsumigawan niya ang kanyang kapalaran.
Pagsasanay :
URI PANDIWAI. Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay
palipat o
katawanin.
1. Ang mga makata ay sumulat ng mga akdang masasaya.
2. Ang mga payaso ay masigasig magpatawa.
3. Sina Severino Reyes at Hermogenes Ilagan ay nagtanghal sa mga palabas dulaan.
4. Sila ay nagpalimbag ng sari-saring akda.
5. Ang masasayang pananagalog ay dumagsa sa bayang mambabasa.
6. Ang panitikan natin ay nagkaroon ng batik.
7. Ang ibang manunulat ay kumatha ng mga akdang malalansa.
8. ang mga mambabasa ay nawalan ng gana.
9. Bumasa sila ng mga akda.
10. Ang kasipagan ay nagbubunga ng tagumpay.