MGA PANTIG

Katutubong pantig
1. Dalawa lamang ang kayarian ng pantig sa katutubong palapantigan: KP (katinig patinig) at KPK (katinig patinig katinig).
2. Walang di pinal na pantig ng katutubong salita na nagtatapos sa impit na tunog / /. Ang isang salitang gaya ng: “bâgo” /ba .'go/ ay hindi pangkaraniwan sa wikang pambansa, sapagkat ang unang pantig nito ay nagtatapos sa impit na tunog.
3. Walang di pinal na pantig ng katutubong salita na nagtatapos sa tunog na “h”. Ang isang salitang gaya ng: “kahkah” /'kah.kah/ ay hindi rin pangkaraniwan, sapagkat ang dalawang pantig nito ay nagtatapos sa “h”.
4. May mga nagsasabi na ang dulong pantig ng isang katutubong salita ay laging nagtatapos sa katinig. Halimbawa, ang salitang gaya ng “sabi” ay nagtatapos raw sa tunog na /h/.
A. May ilang ebidensyang sumasalungat sa ganitong pusisyon:
a. Hindi distintibo o hindi naririnig ang [h] na ito kumpara sa mga wikang may /h/ sa dulo ng pantig, gaya ng Kakilingan Sambal; Kakilingan Sambal “lotò / lo .to / `luto’ “lotoh / lo .toh/ `pagsabog (ng bulkan)’
b. Ang salitang gaya ng “sabi” kapag sinundan ng “daw”, ay nagiging ['sa .bi. raw] hindi */'sa .bih. raw/ o */'sa .bih.daw/. Ibig sabihin, walang naririnig na /h/ bago ng /r/ o /d/; at
c. Malamang na nagtatapos sa patinig ang “sabi”, sapagkat nagiging “raw” ang “daw“. Ang tuntunin ay ginagamit ang “raw” kapag ang salitang sinundan o nasa unahan nito ay nagtatapos sa patinig.

B. Mayroon din namang ebidensya na nagpapahiwatig na mayroong /h/ sa dulo ng “sabi”. Kapag kinabitan ito ng hulaping “ an”, nagiging distintibo at naririnig ang /h/. / sa .bih/ + / an/ > /sa. bi .han/ “sabihan”.

C. Alinman sa pagsusuring ito ang gamitin, malinaw na hindi sinusulat ang [h] sa dulo ng isang pantig ng isang katutubong salita.

Hiram at dayuhang pantig
1. Dahil sa panghihiram, nadagdagan ang kayarian ng pantig sa wikang pambansa. Bukod sa KP at KPK, ang mga hiram na pantig ay: KKP, KKPK, KKPKK at KPKKK. Katulad ng tra po / tra .po/ (KKP KP), plan ta / plan.ta/ (KKPK KP), trans por tas yon /trans.por.tas. yon/ (KKPKK KPK KPK KPK), at ispórts /is.ports/ (KPK KPKKK).
2. Isang palaisipan sa maraming Pilipino ang tamang pagpapantig sa mga salitang hiram na may kambal katinig gaya ng “sobre” ( “sob re” o “so bre”?); ng “tokwa” (“tok wa” o “to kwa”?) at ng “pinya” (“pin ya” o “pi nya”?). May dalawang tuntunin na sinusunod kaugnay nito:
a. Ang tamang pagpapantig ay umaayon sa katutubong kayarian na KP at KPK. Ang “sob ra”, “tok wa” at “pin ya” ay sumusunod sa katutubong kayarian na KP at KPK. Mas malayo sa aktuwal na bigkas at mas malapit sa hiram o dayuhang pantig ang “so bra”, “to kwa” at “pi nya.” Ang totoo’y tama ang huling paraan ng pagpapantig sa pinanghiramang wika.
b. Ang tamang pagpapantig ay umaayon o mas malapit sa aktuwal na bigkas. Ang bigkas ng mga Pilipino sa nasabing mga salita ay mas malapit sa / sob.bre/ ~ / sob.bre/, / tok.kwa/ ~ / tok.kwa/, at / pin.nya/ ~/ pin.nya/. Ibig sabihin, sumasama ang huling katinig ng penultima sa bigkas ng dulong pantig. Kung ang tamang pagpapantig ay “sob re”, “tokwa” at “pin ya”, mas madaling ipaliwanag ang pagsasama ng huling katinig ng penultima sa dulong pantig. Mas mahirap ipaliwanag ang ganitong pangyayari kung ang istandard na pagpapantig ay: “so bre”, “to kwa” at “pi nya”, gaya ng sa pinanghiramang wika.
3. Palaisipan din sa maraming Pilipino ang tamang pagbabaybay at pagpapantig ng mga salitang may kambal patinig sa orihinal na baybay. Ang ilang halimbawa ay: “provincia” (“pro bín si yá” o “pro bin sya”?), “infierno” (“im pi yer no” o “im pyer no”?), “violin” (“bi yo lín” o “byo lín”?), “guapo” (“gu wa po” o “gwa po”?), cuénto” (“ku wen to” o “kwento”?) at “acción” (“ak si yón” o “ak syón”?). Mayroon ding ilang tuntuning sinusunod kaugnay nito:
a. Ang namamayaning pagbabaybay (at pasulat na pagpapantig) ay umaayon sa katutubong kayarian na KP at KPK. Mas malapit ang pagpapantig ng unang anyo (i.e. “pro bín si yá”, “gu wa po”, “im pi yer no”, “bi yo lín”) sa katutubong kayarian na KP at KPK. Ang ikalawang anyo (i.e. “pro bin sya”, gwa po. “im pyer no”, “byo lín) ay may mga pantig na binubuo ng KKP na itinuturing dito na hiram o dayuhang pantig.
b. Ang namamayaning bigkas (at pasalitang pagpapantig) ay umaayon sa aktuwal na bigkas at kung gayo’y mas malapit sa ikalawang anyo (i.e. “pro bin sya”, “gwa po,” “im pyer no”, “byo lín). Samakatwid, mas malapit sa namamayaning bigkas ang ikalawang anyo, pero mas malapit sa namamayaning baybay ang unang anyo.
c. Iwasan ang tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita. Ang baybay na “probínsiyá”, “impiyerno” at “aksiyón” ay hindi lamang umaayon sa katutubong kayarian ng pantig kundi nakaiilag din sa tatlong magkasunod na katinig (i.e. “aksyón”). Totoo lamang ang tuntuning ito (*KKK) sa mga hiram na salita na may orihinal na kambal patinig pero hindi sa iba pang mga kaso (i.e. “eksklusibo”).
d. Piliin ang anyo na maaaring paghanguan ng iba pang anyo. Halimbawa: maaaring sabihin na sa anyong “ku wen to” nagmula ang “kwen to”. Nakuha ang maikling anyo nang kaltasin ang “u”.

PANGHIHIRAM
Tuntunin sa panghihiram
1. Huwag manghiram. Ihanap ng katumbas sa wikang pambansa ang konsepto. Katulad ng rule = tuntunin, hindi “rul”.
2. Huwag pa ring manghiram. Ihanap ng katumbas sa mga lokal na wika ang konsepto. Katulad ng tarsier = máomag, málmag (Bol anon), whale shark = “butandíng” (Bikol)
3. Kapag walang eksaktong katumbas, hiramin ang salita batay sa sumusunod na kalakaran:
a. Kung wikang Espanyol ang pinanghiraman, baybayin ang salita ayon sa katutubong sistema.
b. Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan, panatilihin ang orihinal na anyo. Ingles na psychology = psychology hindi saykoloji; Kastilang psicología = sikolohiya. Ang katwiran dito ay ang kawalan ng kakumpetensiyang anyo ng baybay Espanyol.
Sa kuwento ay mahahango ang tatlo pang deribasyon: nagkúkuwento (inuulit ang “ku”); nagkwékwento (pagkatapos kaltasin ang u, inuulit ang kwe) at nagkékwento (pagkatapos kaltasin ang u, inuulit ang unang katinig at unang patinig). Kung ang pangunahing anyo ay “kwento”, mahahango lamang ang huling dalawang anyo ng reduplikasyon. Mahalagang banggitin din dito na ang biswal na ispeling ng nagkwékwento ay hindi nagkakaloob ng palatandaan para sa bumabasa kung paano ang tamang pagpapantig (nag kwé kwen to o nag kwék wen to). Walang ganitong problema sa nagkuwento at nagkukuwento.
4. Sumunod sa opisyal na pagtutumbas. Sa pana panahon ay naglalabas ang KWF, kasabay ng ibang ahensya ng pamahalaan, ng mga opisyal na pagtutumbas sa mga termino sa likas na agham, agham na panlipunan, sining at panitikan. Mangyaring sumunod sa mga opisyal na pagtutumbas o salin buhat sa mga ahensyang ito. Katulad ng Repúbliká ng Pilipinas, hindi Repúbliká ng Filipinas; aghám panlipunan, hindi sosyal sayans.

Pagbabaybay ng hiram na salita
Ito ang mga mungkahi sa pagbabaybay ng hiniram na mga salita:

1. Maaaring panatilihin ang orihinal na baybay ng lahat ng mga salitang pantangi, panteknikal at pang agham. Katulad ng Manuel Luis Quezon, Ilocos Norte, chlorophyll, at sodium chloride.
2. Maaaring baybayin alinsunod sa katutubong sistema ang lahat ng hiram na salita buhat sa Espanyol maliban sa mga salitang pantangi. Katulad ng cebollas na katumbas ng sibuyas, socorro na katumbas ng saklolo, componer na katumbas ng kumpuní, pero na katumbas ng pero.
3. Maaaring panatilihin ang orihinal na baybay ang lahat ng salitang galing sa ibang katutubong wika sa Pilipinas. Katulad ng vakul, hadji, ifun, at cañao.
4. Maaaring panatilihin ang orihinal na baybay ng lahat ng hiram na salita buhat sa Ingles maliban kung taliwas sa nakasaad sa ikalimang mungkahi. Mga halimbawa: daddy, boyfriend, sir, at joke.
5. Maaari nang baybayin alinsunod sa katutubong sistema ang lahat ng hiram na salita na naiba na ang kahulugan sa orihinal: Katulad ng stand by na binabaybay na istambay, up here na naging apír, hole in na naging holen, caltex na naging kaltek (tabò).
6. Gamitin ang baybay ng salitang hiram na matagal na o lagi nang ginagamit, tulad ng teléponó (hindi teléfonó), pamilya (hindi familiá o familya), epektibo (hindi efektibo o efektivo).
7. Kailangang tandaan na ang bawat tunog sa bawat wika ay may kanya kanyang partikularidad alinsunod sa sistemang pamponolohiya nito. Kahit magkakahawig ang bigkas (at letra) ng mga salita sa nanghihiram at sa orihinal na wika ay hindi pa rin masasabing magkakatumbas ang mga tunog ng mga ito. Halimbawa, may ilang nagmumungkahi na gamitin ang mga salitang “deskriptiv” at “narativ” (sa halip ng nakagawiang “paglalarawan” at “pasalaysay”). Ayon sa mga ito, ang “v” ay katutubong tunog daw sa mga wika sa Pilipinas kung kaya’t maaari na raw gamitin ito sa karaniwang mga salita. Ang baybay daw sa “deskriptiv” at “narativ” ay bahagi raw ng leksikal na elaborasyon ng Filipino at bahagi ng intelektwalisasyon. Hindi ito tamang katwiran, sa sumusunod na kadahilanan:
a. Ang “v” sa mga wika sa Pilipinas ay iba sa “v” ng Ingles. Panlabi ang artikulasyon ng “v” sa Pilipino; “labiodental” naman ang sa Ingles. Bukod dito, natatagpuan lamang ang “v” na Pilipino sa pagitan ng dalawang patinig; hindi ito nakikita sa dulo ng isang karaniwang salita at pantig.
b. Ang ispeling na “narativ” at “deskriptiv” ay nakikipagkumpetensya sa “narrative” at “descriptive” ng Ingles, at mababansagang maling ispeling.
c. Sa lumang tuntunin sa panghihiram, maaaring hiramin ang salita sa orihinal na anyo. Hindi na kailangang “isakatutubo” ang ispeling ng salita.
d. Ang intelektwalisasyon at modernisasyon ng wikang pambansa ay hindi lamang nakasandig sa pagkakaroon ng mga terminong magagamit sa diskursong pangkapantasan. Mas importante pa rito ay ang kahandaan ng mga Pilipinong gamitin ang sarili nilang wika upang lumikha at magpalitan ng bago, orihinal at makabuluhang mga kaalaman.

Pagbigkas sa mga hiram na salita
Ito ang mga mungkahi sa pagbigkas sa mga hiram na salitang nasa orihinal na baybay:

1. Sa pagpapanatili ng hiram na salita sa orihinal na anyo, ang mga letra, ma katinig man o ma patinig, ay maaaring kumatawan sa mahigit sa isang tunog, gaya ng ipinakikita ng sumusunod na halimbawa:
a. Ang “c” ay maaaring kumatawan sa tunog na /k/, /s/ o /č/; Kastilang casa = /'ka.sa/; Ingles na ice = /' ays/; Italayanong cello = /'če.low/
b. Ang “j” ay maaaring kumatawan sa tunog na /j/ o /h/; Ingles na jack /'jak/; Kastilang jai alai /'hay a.'láy/
c. Ang “x” ay maaaring kumatawan sa tunog na /s/ o /ks/; Ingles na extra /' eks.tra/; Ingles na xylophone = /'say.lo.fown/
2. Kahit pinanatili sa orihinal na anyo, ang mga salitang dayuhan ay binibigkas pa rin ng maraming Pilipino sa katutubong paraan gaya ng sumusunod:
a. Ang /f/ ay binibigkas na parang /p/; father / fa. r/ > / pa .der/
b. Ang /v/ ay binibigkas na parang /b/; visa / vi.sa/ > / bi.sa/
c. Ang /z/ ay binibigkas na parang /s/; zoo /zu ] > /su/
d. Ang /æ/ ay nagiging simpleng /a/; map /mæp/ > /map/
e. Ang /ow/ ay nagiging /o/; goal /gowl/ > [gol]
f. Ang /i / ay nagiging [i]; brief /bri f/ > /brip/
g. Ang /u / ay nagiging /u/; shoot /šu t/ > /šut/

PANGWAKAS.
Ang ortograpiyang ito ay ginawa alinsunod sa prinsipyo ng makabagong lingguwistika. Subalit ginawa rin ito upang tugunan ang praktikal na pangangailangan ng mga gumagamit ng wikang pambansa —mga nagsisimulang bumasa’t sumulat, at mga bihasa nang
sumusulat at nagbabasa sa wikang pambansa; mga Pilipinong ang unang wika ay Tagalog, at ang mas maraming Pilipino na ang unang wika ay di-Tagalog; mga dayuhang gustong matuto ng Filipino bilang wikang dayuhan, at ang mga Pilipinong gustong gawing tulay ang kanilang wikang sarili upang matuto ng wikang dayuhan. Hindi sapat na maging siyentipiko ang isang ortograpiya. Kailangan din itong matanggap ng publiko. Sa puntong ito, kailangang linawin na walang ganap na bagong kalakaran at
kumbensyon sa patnubay na ito. Ang marami rito ay dati nang mga kaalaman at tuntunin na naipahayag, naimungkahi o naiharap na sa nakaraan, subalit sa di malamang dahilan ay naiwaksi at nakalimutan. Sa ganang amin, ang muling pagpapahayag ng mga subok na at nakagawian nang tuntunin ay hindi masama kundi mabuting bagay.
MGA TUNOG, HABA AT DIIN

A. Mga Katinig
1. Ang mga letrang pangkatinig ay: Bb, Cc, Dd, Ff, Gg, Hh, Jj, Kk, Ll, Mm, Nn, Nn, NGng, Pp, Qq, Rr, Ss, Tt, Vv, Ww, Xx, Yy at Zz

2. Sa pagbabaybay ng karaniwang katutubong salita sa wikang pambansa, gamitin lamang ang sumusunod na mga letrang pangkatinig: Bb, Dd, Gg, Hh, Kk, Ll, Mm, Nn, NGng, Pp, Rr, Ss, Tt, Ww at Yy. Ang mga letrang ito ay sumisimbolo sa 15 sa 16 na katutubong katinig sa wikang
pambansa: [b], [d], [g], [h], [k], [l], [m], [n], [ŋ], [p], [r], [s], [t], [w], at [y]. Ang bawat letra ay representasyon ng isang katinig lamang. Ang panglabing-anim na katutubong katinig—ang impit—ay kinakatawan ng wala ( ), gitling (-), paiwa ( ` ) at pakupya ( ˆ ) .

3. Sa pagbabaybay ng mga salitang buhat sa iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas, panatilihin ang orihinal na anyo ng mga ito batay sa palabaybayan at/o palatunugan ng pinagkunang wika.

4. Sa pagbaybay ng mga hiram na salita buhat sa banyagang wika, may dalawang paraang ginagamit: una, panatilihin ang orihinal nitong anyo batay sa palabaybayan ng pinagkunang wika, at ikalawa, baybayin ito ayon sa katutubong sistemang nakasaad sa III A, 2. Kung aling paraan ang gagamitin ay matutunghayan sa ikalimang bahagi ng patnubay na ito.

5. Ang impit na tunog ay kinakatawan ng mga sumusunod na di-letrang pangkatinig: wala ( ), gitling (-), tuldik na paiwa (`) at pakupya (ˆ). [4]
_____
4Kumplikadong mga simbolo ang mga tuldik. Ang pakupya (^) ay binubuo ng markang pahilis (΄) sa kaliwa, at ng markang paiwa ( ` ) sa kanan. Ang pahilis ay simbolo ng diin sa dulong pantig; ang paiwa, sa impit na tunog sa dulo ng salita. Gayon din, ang paiwa ( ` ) ay may dalawang bahagi. Ang kaliwa ay kakikitaan ng malumay na marka na sinisimbolo ng wala ( ) at ang kanang bahagi nito, ng tuldik na paiwa. Ang wala ( ) ay sumisimbolo sa diin sa penultimang pantig at ang paiwa ( ` ) ay sumisimbolo sa impit na tunog sa dulo ng salita.

a. Ang impit na nasa unahan ng salita at nasa pagitan ng mga patinig ay hindi isinusulat: “aso” /' a . so/, at “kain” /'ka . in/.
b. Ang impit na nasa pagitan ng katinig at patinig ay kinakatawan ng gitling: “pang araw” /paŋ.' a .raw/
c. Ang impit na nasa dulong pantig ng salitang may diin sa penultima ay kinakatawan ng tuldik na paiwà sa ibabaw ng patinig ng dulong pantig: “batà” / ba .ta /
d. Ang impit na nasa dulo at may diing pantig ng salita ay kinakatawan ng tuldik na pakupya sa ibabaw ng patinig ng dulong pantig: “likô” /li. ko /. Ang impit na tunog sa pinal na pusisyon ng salita ay hindi nabibigkas ng ilang tagapagsalita. Ang dahilan nito ay sapagkat sa unang wika nila ay walang impit na matatagpuan sa naturang pusisyon. Naililipat nila ang ganitong nakagawian sa kanilang pangalawang wika: “likô” /li. ko / > /li. ko/.
e. Para sa ilang tagapagsalita, ang impit na nasa dulo ng salita ay napapalitan ng haba, kapag ang salita ay nasundan ng ibang mga salita: “matandâ” /ma.tan.'da / pero “matandá na siya” /ma.tan.da:. na. si.yá/. Para naman sa ibang tagapagsalita, nananatili ang impit kahit ang salita ay nasundan ng ibang salita: “matandâ na siya” /ma.tan. da . na. si.yá/.

B. Mga Patinig:
1. Ang mga patinig sa wikang pambansa ay kinakatawan ng mga letrang: Aa, Ee, Ii, Oo at Uu.
2. Sa pagbigkas ng katutubong salita, hindi makabuluhan ang pagkakaiba ng “i” vs. “e” at ng “o” vs. “u”. Katulad ng “sakít” = /sa. kit/ ~ /sa. ket/, “kurót” = /ku. rot/ ~ /ku. rut/, “lalake” = /la. la:.ki/ ~ /la. la:.ke/ pero: “kalalakihan” = /ka.la.la. ki .han/.
3. Kahit hindi kontrastibo sa bigkas, may nakagawian nang gamit ang “e” at “i”. gayon din ang “o” at “u”. Ginagamit ang “e” at “o” sa dulong pantig ng mga katutubong salita at ang “i” at “o” sa ibang kaligiran. Katulad ng “babae” pero: “kababaihan” hindi “kababaehan”, “buhos” pero: “buhusan” hindi “buhosan”.
4. Nagiging makabuluhan lamang ang letra at tunog na “e” at “o” kapag ikinukumpara ang mga hiram na salita sa mga katutubo o kapwa hiram na salita. Katulad ng “mesa”: “misa”, “oso” : “uso”.
5. Gaya ng mga katinig, maaari ring gamitin ang mga letrang patinig ng wikang Filipino sa pagbabaybay ng mga hiram na salita sa orihinal nilang anyo. Pero ang patinig ng hiram na salita ay maaaring kumatawan sa mahigit na isang tunog. Katulad ng “table” = /'tey.bol/, at “ballet” = /ba.'ley/.

C. Haba at Diin:
1. Ang diin ay kinakatawan ng sumusunod na simbolo: wala ( ) at pahilis ( ΄ ).

2. Ang diin sa isang bukas na pantig (i.e. isang pantig na nagtatapos sa patinig) maliban sa ultima ay binibigkas na mahaba ( ). Katulad ng tao / ta . o/, mahaba ang may diing ta pero: isá / i. sa/, walang habà ang may diing sa; sa tukóy /tu. koy/, walang habà ang may diing koy.
3. Ang diin sa penultima ay hindi isinusulat. Katulad ng tao / ta . o/; lumà / lu .ma /

4. Ang diin sa iba pang pantig maliban sa penultima ay minamarkahan ng pahilis ( ΄ ) sa ibabaw ng patinig na may diin. Katulad ng taním [ta.'nim], tániman /ta .'ni .man/, at pátániman /pa .ta .'ni .man/.

5. Ang katutubong salita na may saradong penultima ay may awtomatikong diin sa dulong pantig.[5]
Katulad ng bantáy /ban. tay/.

6. May awtomatikong diin sa dulong pantig ang katutubong salita na sa pasulat na anyo ay may magkatabing magkaparehong patinig sa penultima at sa dulong pantig. [6]
Katulad ng biík /bi.' ik/ at suót /su.' ot/.

7. May awtomatikong diin sa dulong pantig ang katutubong salita na may uw o iy sa pagitan ng penultima at dulong pantig.
Katulad ng tuwíd /tu. wid/ at tiyák /ti. yak/.
Nakakaltas ang “u” at “i” sa mga salitang ito sa aktuwal na pagsasalita:
katulad ng tuwíd / twíd/ at tiyák / tyák/.

_____
5May ilang kataliwasan dito: “pinsan”, “minsan” at “bibingka” na may diin sa saradong
penultima. Sa Sebwano, ang mga salitang may saradong penultima ay may
awtomatikong diin sa penultima..
6 Ang naturang salita, sa ponetikong transkripsiyon, ay (a) may impit na tunog sa
unahan ng dulong pantig; (b) may bukas na penultimang pantig; at (c) may
magkaparehong patinig sa dulo at penultimang pantig. Ang eksepsiyon dito ay ang
salitang “oo”.