Panimula
- Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
- Nakakabuo ng mga pandiwa sa pananagutan ng paglalapi. Ang mga panlaping ginagamit upang makabuo ng pandiwa ay mga panlaping makadiwa
- May limang paraan ng paglalapi upang makabuo ng pandiwa
Halimbawa: umasa, uminom, magbili, pag-iisip
2. Gitlapi – kung ang panlapi’y sa loob ng salita nagsisingit.
Halimbawa: lumipat, binili, tumangkilik, sinabi
3. Hulapi – ang panlapi’y nasa hulihan ng salita ikinakabit
Halimbawa: samahan, awitin, hulihin, bayaran
4. Kabilaan – may unlapi at hulapi; ang salita’y nagigitnaan ng mga panlapi.
Halimbawa: matulungan, pag-aralan, mag-awitan
5. Laguhan – may unlapi, gitlapi, hulapi; ang panlapi ay nsa una, gitna at hulihan ng salita.
Halimbawa: pagsumikapan, magdinuguan
2 URI NG PANDIWA
Katawanin - Ito ay mga pandiwang nagpapahayag na ganap ang kilos na ginagawa ng simuno. Hindi na ito nangangailangang ng tuwirang layong.
Halimbawa:
Ang mag-anak ay kumakain ng sabay-sabay.
S P
Ang salitang kumakain ay ang salitang nagsasaad ng kilos (pandiwa). Ang gumaganap ng kilos ay ang mag-anak na siyang simuno ng pangungusap.
Nagkukuwentuhan pa sila pagkapos.
Alin ang simuno?
Ano ang salitang nagsasaad ng kilos?
Mga Sagot:
ang kaibigan
nagkukuwentuhan
Palipat - Ito ay mga pandiwang nangangailanangan pa ng tuwirang layon upang mabuo ang kaisipang nais nitong ipahayag.
Halimbawa:
Nagpadala ng mga pagkain sa mga katipunero si Tandang Sora.
Nagbigay ng magandang halimbawa sa mga kabataan si Dr. Jose Rizal.
Tandaan: Ang tuwirang layon ay siyang tagatanggap ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay maaaring pangngalan o panghalip na nagbibigay ng kumpletong kahulugan sa kilos na ginagawa ng simuno o ng tagaganap ng kilos. Karaniwan ito ay sumasagot sa tanong na ano o kanino.
Mga Aspekto ng Pandiwa
1. Perpektibo – nagsasaad ng kilos o gawain na naganap o ginagawa na.
Halimbawa
Nagpaalam kami sa nanay mo nang kami’y umalis.
2. Imperpektibo o Pangkasalukuyan – nagpapakilala ng kilos na ginaganap sa kasalukuyan Halimbawa
Hayan at umuulan na naman.
3. Kontemplatibo – nagsasaad ng kilos na hindi pa nasisimulan.
Halimbawa
Magagawa mo ba ang bagay na ito?
Mga Panagano ng Pandiwa
Isang kakanyahan ng pandiwa ang pagtataglay ng iba’t ibang anyo ayon sa panahon at panagano. May apat na panagano ng pandiwa.
A. Pawatas – binubuo ng makadiwang panlapi at salitang-ugat, walang panahon ni panauhan
Mga Halimbawa
Ang magsabi ng totoo’y tungkulin ng tao.
Ang umaawit ng opera ay isang karangalan.
B. Pautos - walang kaibahan sa anyo ng pawatas. Ito’y wala ring tiyak na panahon at ginagamit sa pag-uutos o pakiusap.
Mga Halimbawa
Umibig tayo sa Diyos.
Magkawanggawa tayo sa mga nagigipit.
Igalang ang karapatan ng isa’t isa.
C. Paturol – Iba sa lahat sapagka’t nag-iiba ang anyo ng pandiawa sa iba’t ibang aspekto ang perkpektibo, imperpektibo at kontemplatibo.
Mga Halimbawa
Ugat Panlapi Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
1. luhod um lumuhod lumuluhod luluhod
2. dasal mag nagdasal nagdarasal magdarasal
3. dasal in dinasal dinarasal darasalin
4. buti in ibinuti ibinubuti ibubuti
D. Pasakali – walang kaibahan sa paturol nguni’t ginagamitang lagi ng mga pangatnig o pang-abay upang maipahayag ang kalagayang pasubali.
Mga Halimbawa:
1. Baka matuloy kami kung may sasakyan.
2. Kung nabuhay siya disi’y Masaya ako ngayon.
3. Marahil naghihinanakit siya sa atin ngayon.